About Us | Terms of Use | RSS Feeds | Advertise | Contact Us | Login  
Philippines Today
 
sharing news, exchanging views on issues affecting the Global Filipino
Recent articles:   News ticker inactive
Log In
Username

Password

Remember Me



Main
Home
News Stories
Current Issues
Comment and Opinion
SciTech Update
Community News
Life In Japan
OFW Corner
Press Releases
Entertainment
People
Literary

Submit An Article
How To Submit

Inside PT
Podcast
Gallery
The Buzz
Forums
Videos
Events
Books
Archives
Old Site
More News
Mobile Edition

Partners


< September, 2010 >
S M T W T F S
29 30 31 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 01 02


Search Articles








PT Mobile Edition

Truth About Success





Through The Eyes of Juan

Sinubukan kong kunin ang masasabi ng ilan sa mga Pilipinong nakilala ko dito sa Japan kung ano ba ang ibig sabihin sa kanila ng tagumpay o success. Ang ilan sa kanila ay nagsabing kung maabot mo na ang mga pangarap mo at magkaroon ng masaganang buhay kahit na isakripisyo mo ang ilang mahahalaga sa iyo, yun ang tunay na tagumpay. Ang ilan naman ay nagsabi na ang tunay na tagumpay ay ang pagkakaroon at pagsobra pa nito. Para sa kanila, ang tagumpay ay kasaganaan at katuparan ng mga pangarap. Ngunit para sa mga Pilipinong nasa sarili nating bansa, na may ngiti habang naghihirap buong araw, sapagkat pagkatapos nito ay may maiuuwi siyang sapat na salapi para sa pagkain ng kanyang pamilya kinabukasan, ang pagkakaroon ng masaganang buhay at katuparan ng lahat ng pangarap ay hindi ang tunay na ibig sabihin ng tagumpay. Para sa kanila ang pagkakaroon ng katiwasayan sa anumang mayroon ka upang mairaos ang isang buong araw at patuloy pa ring makangiti at lumabang muli kinabukasan, iyon ang tunay na tagumpay.

Mayroong kani-kaniyang pagkakaintindi ang bawat Pilipino sa salitang tagumpay. Ito ay maaaring kasaganaan, katiwasayan o kaligayahan. Ngunit ang katotohanan ay lahat ng ito ay nagmamaliw. Isang araw nabubuhay ka sa kasaganahan, kinabukasan ay pulubi ka na. panatag ang iyong buhay ngayon sa kung anong mayroon ka, kinabukasan ay puno ka na ng takot. maligaya ka sa ngayon dahil sa mga bagay na nakamit mo, kinabukasan ay hindi mo mapigilang lumuha dala ng pagkawala ng mga ito. Ano nga ba ang tunay na tagumpay?

Sa isang bansang tulad ng Japan na ang salapi at teknolohiya ang nagpapatakbo ng buhay, aminin man natin o hindi ang ibig sabihin ng tagumpay dito ay pag-abot sa pangarap at paglampas pa dito at patuloy pa sa pag-angat. ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan. Ang buhay ay pagtakbo...ang bawat isa ay may kani-kaniyang takbuhin at may kani-kaniyang pagsubok upang matapos ang takbuhing ito. Ang iba nga lang ay tumitigil na sa kalagitnaan at hindi na nagpatuloy pa. Gumagawa sila ng sarili nilang hangganan at nakalimutan na ang takbuhing inumpisahan. Ngunit may isa lamang katapusan ang pagtakbong ito at doon mo makikita ang tunay na tagumpay na hinahanap mo. At kapag narating mo na ang hangganang iyon, hindi ka na muling tatakbo pa sapagkat ang gantimpalang ito ay hindi na mawawala sayo. Ang gantimpalang ito ay hindi sa lupa sapagkat ang gantimpalang ito ay hindi kailanman magmamaliw at masisira. Ito ay tanging makikita lamang sa ating Panginoon na Siyang magbibigay sa atin ng katiwasayang hindi magmamaliw, kasaganahang hindi mauubos at kaligayahang hindi mapapatid.

Kung tatanungin mo ang iyong sarili, nakamit mo na ba ang tagumpay? nasaan ka na sa iyong takbuhin? o tumatakbo ka pa ba? naghihintay lamang sa dulo ang iyong gantimpala at ang gantimpalang ito ay para sa iyo lamang.


Posted by bolt25 on 07/10/2007 05:05 PM [3731 views]

Article Manager module by by George! Software.
Comments
To post a comment, you need to login. A very simple registration is required to get an account. The comments are owned by the poster. We are not responsible for its content.
gubat
Posted on: 2008-04-16 04:43:19   By: angella
  Edited By: angella
On: 2008-04-16 04:49:20
sa ibang kapatagan may mga panganib
ako'y nabubuhay ng payapa't tahimik
ako'y mayroong alam sa bawat panahon
kung Siya'y nasa akin saan man yayaon!

hinango ko po ang awit na yaan sa aming himnario, isang aklat awitan sa aming kapilya.

sa malayong lugar na lakbay dagat maraming naglipanang hayop sa makahoy na gubat. dahil sa mga panahong hindi kapiling ang mga kasama sa buhay ang mga naging kasalamuha ay mga naglipanang hayop.

sila'y mistulang mga alitaptap
sa dilim ng gabi sila'y naghahanap
makikilala nila'y ibang mga kulisap
pagsasaluha'y pagkaing anong sarap

di na naisip ang kasama sa buhay
iniwan sa pulong bahay ma'y walang suhay
anong mapapala kung magpapatuloy
sa paglulunoy sa malaking kumunoy

malaki talagang epekto sa bawat ofw ang malayo sa sariling pamilya dahil sa iba natin ito hinahanap. sana nga lang, habang maaga ay maiwasan ito dahil ang ganitong uri ay parang droga na mahirap ng iwasan kapag ikaw ay naakit at naadik. tuloy hinahanapan natin ng rason ang kasambahay sa paggawa ng di mabuti sa ating mga sarili. sana man lang, tayo ay wag makalimot tumawag sa Diyos para ng sa gayon ay malayo tayo sa mga naglipanang hayop sa GUBAT!


    Re: gubat
    Posted on: 2008-05-17 19:53:29   By: windfler
      Edited By: windfler
    On: 2008-05-17 19:53:57
    Tama ang iyong pagkasalaysay sa tulad nating OFW ay gubat ang sinusuong , pero sa ganang akin , Hanggat alam mo at hindi nakakalimutan ang iyong objectivo kung bakit ka nangibang bansa ay hindi ka maliligaw. Kasama ang dasal at madalas na communication sa pamilya.
    Natural lang na habang tinatahak mo ang gubat ay marami kang makakasalubong along the way pero composure at disiplina sa sarili ang pinaka importante upang malagpasan mo ang mga temptation.








What's Related
These might interest you as well
Article Manager


Ads


Home of the Global Filipino
About Us | Terms of Use | RSS Feeds | Advertise | Contact Us | Login  

All site content © www.philippinestoday.net
For inquiries, questions, comments, or suggestions
email: webadmin @ philippinestoday . net
This site is powered by phpWebSite © Appalachian State University.
phpWebSite is licensed under the GNU LGPL and GNU GPL