Bulalakaw

tanikalang nagniningning

minsa’y dumaplis sa paningin

mailap…di masaling

..ni sa wari’y

di akalaing sasagi..

tama na ba ang minsan

ng pagdapo ng alikabok sa palad..

isang kisap na malamang,

ay yun na ang katapusan

ngunit salamat..

sa saglit na nasilayan ang ganda

…ang iyong kinang