ABS-CBN Tuloy ang Paglusob sa Japan Market sa Pamamagitan ng IPTV

Ano kaya ang naghihintay sa unang pagtatambal nina Piolo Pascual at Angel Locsin? Kumusta na kaya sina Jackie, Eli, Celine at JB sa pagbubukas ng ikalawang kabanata ng Maging Sino Ka Man? Sino ang magiging Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2?

Tanging ABS-CBN lang ang may kasagutan sa mga katanungang ito kaya naman tuloy pa rin ang drama at saya kasama ang inyong Kapamilya sa panibagong handog sa inyong masusugid na subscribers ng The Filipino Channel (TFC) sa Japan—ang TFCko.

Gamit ng TFCko ang Internet Protocol Television o IPTV kung saan ikakabit lamang ang set top box (STB) sa TV at internet modem para agad mo nang mapanood ang mga paborito niyong palabas ng ABS-CBN at ANC, mga pelikulang Pilipino sa Cinema One at live feeds ng DZMM at 101.9 For Life.

Mahigit pitong taon na kayong kasama ng TFC at naging bahagi na kayo sa mahahalagang pagbabagong naganap sa nakaraang mga taon. Nasilayan ninyo ang paglaki ni Judy Ann Santos, mula Mara Clara hanggang sa Ysabella, maging ang pagiging ganap na aktres ni Claudine Barretto.

Sa TFCko, maaari na ninyong balikan at mapanood ang inyong paborito at inaabangang Kapamilya shows sa pamamagitan ng bagong TFCko Video-on-Demand (VOD). Ikaw mismo ang makakapili ng gusto mong panoorin kahit anong oras na gusto mo! Hindi mo na kailangan pang mag-alala o magmadali galing trabaho upang maabutan lang ang inyong paboritong programa.

Dahil sa VCR/DVD functions, maaari mo ring piliin, i-rewind, i-forward, i-stop at i-pause ang inyong pinapanood, lalo na ang mga nakakakilig na eksena nina Claudine at Piolo Pascual sa “Walang Kapalit” o Bea Alonzo at John Lloyd sa “Maging Sino Ka Man.”

Sa halagang ¥4,000 lamang ngayong Nobyembre ay magkakaroon ka na ng TFCko services kasama na ang libreng tuner o STB. Nalalapit ng magwakas ang pag-ere ng ABS-CBN sa WINS simula 30 Nov 2007, kaya mag-subsrcribe na sa mas pinagandang TFCko at patuloy tayong maging magkakapamilya sa Japan.

Sa mga interesadong mag-subscribe, i-dial lamang ang 029-858-3016 o kaya 090-4547-5840. Naka-antabay ang inyong Kapamilya sa aming tanggapan dito sa Japan para sagutin ang inyong mga katanungan sa pag-subscribe sa TFCko.