Kris gameshow moves to an earlier timeslot

PNS — Hindi napigilang maluha ng TV host-actress na si Kris Aquino nang manalo ang isang Muslim contestant ng P2 million sa kanyang game show na Kapamilya Deal or No Deal noong nakaraang linggo. Pero magkahalong lungkot ang dahilan kaya napaiyak si Kris noong gabing ‘yon. That time kasi ay nasabihan si Kris na mamaalam sa ere ang kanyang programa.

But last night, September 20, iba na naman ang mood ni Kris. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mukha habang isinasayaw-sayaw ang first layer ng kanyang apple gown made of chiffon cloth. May announcement na naman na ibinigay si Kris regarding her show.

“On Monday [September 24], we have a new timeslot. Mapapanood na po kami sa mas maagang oras before TV Patrol. At, tuluy-tuloy pa rin po ang panonood ninyo ng Deal or No Deal,” pahayag ni Kris.

Samantala, isang reliable source mula sa ABS-CBN ang nagsabi na extended ang Kapamilya Deal or No Deal until December 2007. Pagkatapos daw kasi na i-announce ni Kris na mawawala na sa ere ang kanyang programa ay marami ang nalungkot. Marami raw ang nag-text at tumawag sa ABS-CBN na nagre-request na huwag tanggalin ang game show ni Kris.

Pero nang tanungin namin ang aming source kung okay na sa management na magkaroon ng dalawang fanchise shows mula sa Endemol sa Primetime Bida ng ABS-CBN dahil sa pagpasok ng Pinoy Big Brother Celebriy Edition ay hindi niya kami nasagot. Sa pagkakalaam namin, iniiwasan ng ABS-CBN management ang magkaroon ng dalawang programa sa primetime na galing sa Endemol.

Upang kumpirmahin ang impormasyon na ito ay kinonsulta agad ang Corporate Communications head ng ABS-CBN na nagha-handle sa Kapamilya Deal or o Deal na si Kane Ochoa. As of this afternoon, nakausap ni Mr. Ochoa ang executives ng show at nilinaw sa kanya na wala pang opisyal na pahayag tungkol sa extension ng game show ni Kris hanggang December.

“I even asked the advertising department but so far, wala pa rin daw naka-lineup sa kanila na mae-extend ang Deal Or No Deal. But I’ll get back to you as soon as makakuha ako ng latest information about this,” pangako sa amin ni Mr. Ochoa.

Meanwhile, may taping ulit si Kris ngayong araw, September 21, ng tatlong episodes para sa Kapamilya Deal or No Deal. At ang mga maglalaro ay ang magkasintahang sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo, separately, at si Maja Salvador ng Pangarap na Bituin.