Piolo Pascual to guest on Judy Ann TV special

PNS — Bagama’t si Regine Velasquez ang katambal ni Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Iibigin, ang joint venture ng Star Cinema at Viva Films, hindi pa rin makaiwas si Piolo sa mga tanong about his former loveteam partner na si Judy Ann Santos.

Nabanggit kay Piolo ang nalalapit na birthday-anniversar y special na gagawin para kay Judy Ann sa ABS-CBN this May. Ayon sa mga balita, halos lahat daw ng naging past leading men ni Juday will grace the TV special.

Since isa si Piolo sa masasabing pinakamalakas at pinakamatagal na naging ka-loveteam ni Juday, kasama ba ang matinee idol sa naturang TV special? Sa kasalukuyan kasi ay may gap na namamagitan kay Piolo at sa boyfriend ni Juday na si Ryan Agoncillo.

“I wasn’t told about that,” seryosong pahayag ni Piolo. “Hindi ko alam. Management naman po ang magde-decide kung sino ang nandoon. Pero wala pa pong nagsasabi sa akin.”

Papayag ba siya kung sakaling imbitahan siyang mag-guest sa TV special ni Juday?

“Yeah, oo naman!” maagap nitong sagot.

Kung sakaling hindi siya kuhaning guest, kahit halos lahat ng naging past leading men ni Juday ay narooon, would he still feel okay or kahit paano ay may iba siyang mararamdaman?

“Whatever it is, I will respect the decision of the management. So whoever is producing her special, alam na nila kung ano ang tama at kung ano ang hindi. Okay na sa akin kung anuman. Basta happy siya sa kanyang birthday and 20th anniversary, ” pagtutuldok ni Piolo sa isyu.

Ganunpaman, siguradong marami pa rin sa mga fans nina Juday at Piolo ang nagwi-wish na sana ay makasama sa special ni Juday si Piolo at mapanood pa rin ang dalawa na magkasama. Hindi rin kasi mapapasubalian na isa sa pinakasikat at pinaka-successful na tambalan sa pelikula at telebisyon ang Juday-Piolo loveteam.