Fans of John Lloyd, Toni can’t accept Ai Ai, Vic as Box Office Queen, King

PNS — HINDI matanggap ng fans nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz ang pagkakaloob ng Box Office King and Queen title kina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Katwiran nila, mas kumita raw ang pelikula nina Toni at Loydie na My Amnesia Girl kumpara sa movie nina Ai Ai at Vic. Pero may pag-asa pa ang fans nina Toni at John Lloyd dahil hindi pa raw confirmed na sina Ai Ai at Vic nga ang tatanghaling Box Office King & Queen.

Nagtataka raw ang organizer ng nasabing foundation sa paglabas ng naturang balita dahil hindi pa raw sila nag-kakaroon ng botohan at deliberation na mangyayari pa lang daw pagkatapos ng Holy Week.

Ayon sa isa sa organi-zers ng GMMSF, clueless sila sa source ng impormas-yon na sina Ai Ai, Bong Re-villa at Vic ang winners.

Samantala, nang maka-rating kay Ai Ai na hindi pa raw siya ang kumpirmadong tatanghaling Box Office Queen, dedma lang siya.

“Ako talaga ang Box Office Queen, kahit hindi pa sila nagkakaroon ng deliberation dahil talagang malaki ang kinita ng (P185M) ng Ang Tanging Ina,” say ni Ai Ai.

Hindi ito ang unang pag-kakataon na nasangkot sa Box Office King & Queen controversy sina Ai Ai at Vic dahil last year, kinuwestisyon din ang desisyon ng GMMSF na ipagkaloob kina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang Box Office King & Queen titles.

Nalutas lang ang isyu da-hil gumawa ng bagong title ang GMMSF para kina Ai Ai at Vic, ang Comedy Box Office Queen at Comedy Box Office King respectively.