Richard, Val play lovers in soap

PNS — Many years ago ay nagkasama na pala sina Richard Gomez at Valerie Concepcion sa isang teleserye sa GMA-7.

Take note, mag-ama ang role nila that time dahil sobrang bata pa ni Val noon.

Ngayon, sa muli nilang pagsasama, how times have changed talaga dahil lovers na ang role nila sa Mga Nagbabagang Bulaklak at may bed scenes pa sila.

“Ito ’yung bago pa siya nabuntis. I remember, sinabi ko kay Valerie noon, nu’ng ginagawa namin ang soap, sabi ko, ‘Val, alam mo ikaw, sumisikat ka, maganda ka, pero baka one day, biglang mabola ka, huwag kang mabubuntis kasi sayang.’

“Naku, after ng show namin, true enough, nabuntis siya,” natatawang pagre-recall ni Goma.

“But it’s a good thing, si Valerie, nakabawi siya. I think, she’s a bigger star now than she was before,” say pa ni Goma.

So, ano ang feeling na dati, anak niya, ngayon ay lumalaban na sa kanya ng halikan?

“Mismo,” sambit naman ni Goma.

Ano ang reaction niya sa sinabi ni Valerie na ang lambot ng lips niya?

“Eh, malambot din naman ’yung sa kanya,” sagot ng aktor.

Kinantiyawan si Goma sa sagot niya at ano raw ’yung malambot na ’yon kaya nilinaw niya na lips ni Val ’yon.

“Naku, magpahinga na nga tayo at baka kung ano pa ang masabi ko,” natatawang sambit ni Goma.