Actor denies having gay benefactor

PNS — “WALA po akong gay benefactor,” ito ang mariing pahayag ni James Blanco, isa sa mga artista ng “Mga Nagbabagang Bulaklak” ng TV5.

Matagal nang natsitsismis ang actor na diumano, may isang mabait na bading na nag-aalaga sa kanya. Pero ayon sa kanya nang makausap namin sa Teatrino nang i-launch ang naturang teleserye, nawala siya sa showbiz dahil nag-asawa siya’t nagkaroon sila ng negosyo.

“Nagtayo po kami ng parlor,” ani James. “Dati po, may kaunting lending kami, pero ang hirap po maningil. Kaya ngayon, lumalaki na po ang dalawang anak namin ng misis ko, kaya gusto ko pong mag-artista uli at mag-concentrate dito.”

Ano naman ang nabago sa kanya ngayon na may asawa na siya?

“Hindi na po mainitin ang ulo ko ngayon,” aniya.

Mabuti naman. Dahil kung mainitin pa ang ulo niya, baka hindi niya nagustuhan ang tanong namin tungkol sa gay benefactor.