Rhian goes topless infront of Richard

PNS — Natawa lang si Rhian Ramos sa tsikang malapit na siyang ikasal. Katwiran ng aktres, malabo raw na mag-asawa siya agad dahil bata pa siya at marami pang pa-ngarap sa buhay.

“Gusto ko, if ever na may magustuhan na talaga akong guy, sisiguruhin kong nasa kanya na lahat ang hinahanap ko sa isang lalaki,” say ni Rhian sa presscon ng My Valentine Girls.

Totoo raw na nagde-date sila ni DJ Mo pero hindi pa sila officially.

Natutuwa raw siya kay Mo dahil smart at madaldal ito tulad ng daddy niya. ’Yun daw ang ilan sa katangian na hinahanap niya sa lalaki, pero hindi pa niya nakikita ang lalaking puwede niyang pakasalan.

Ikinuwento rin ni Rhian na sa My Valentine Girls, nag-topless siya sa eksenang papasok siya sa banyo para maligo at hindi niya alam na nandoon si Richard Gutierrez. Nagulat raw siya nang makita sa harap niya si Chard dahil wala siyang saplot pang-itaas.

Hinihingi raw ito sa istorya at dahil aktres, dapat lang niyang sundin at gawin ito.

Si Richard pala ang first kiss niya sa Captain Barbell kung saan una siyang ipinakilala. Sixteen-years- old lang si Rhian noon at hindi raw niya ito makaka-limutan sa buong buhay niya.

At ngayon sa My Valentine Girls, hahalikan siya ulit sa lips ni Chard.

May nabago raw sa halikan nila ni Chard kumpara sa naging halikan nila noon.

Sa atnong namin kung ano ’yun, natawa si Rhian at sinabing nahihiya pa rin daw siya kay Chard nu’ng kunan ang kissing scene nila sa My Valentine Girls ng GMA Films at Regal Films.