Dingdong, Marian Baguio date cancelled

PNS — WORKAHOLIC pala talaga si Marian Rivera at laging priority ang trabaho.

Naitanong namin kay Marian sa set ng Show Me Da Manny kung tuloy ba sila ni Dingdong Dantes sa bakasyon nila sa Baguio City bago ang mag-Valentine’s Day.

“Hindi na tuloy ang Baguio namin ni Dong kasi sa Feb. 12 and 13, may sunud-sunod akong photo shoots para sa magazines at endorsement kong Karimadon,” sagot ni Marian.

May taping din daw si Dingdong sa Feb. 14 sa I Heart You Pare.

Ang Baguio pa naman ang lugar na gusto ni Dingdong na balik-balikan dahil nagkasama sila ni Marian nang mahabang panahon nu’ng sinu-shoot nila ang isang pelikula na pinagtambalan nila at doon din daw sila naka-in love-an.