Dennis laughs off prediction he’ll impregnate Jennylyn

PNS — PINAGTAWANAN lang ni Dennis Trillo ang hula na mabubuntis niya si Jennylyn Mercado ngayong taon.

Hindi raw kasi siya naniniwala sa hula-hula.

Kaya nga raw tinawag na hula ay walang kasigura-duhan ang lahat. Ang nang-yayari raw sa ating buhay ay nasa ating mga kamay at mga paniniwala.

May dugong Chinese si Dennis at may sinusunod silang mga pamahiin at paniniwala lalo na kapag nagpapalit ang taon. Pero lumaki at nagkaisip si Dennis sa modernong mundo. Nasa tao na raw kung maniniwala sa hula o hindi.

“Ilang beses na akong hinulaan noon na hindi naman nagkatotoo. Depende naman kasi ‘yan sa taong hinulaan kung maniniwala siya. The more na naniniwala ka, baka mangyari. Nabubuhay ako sa nangyayari sa akin araw-araw. Wala akong pinaplanong sobra-sobra… ‘yong hanggang kaya ko lang,” paha-yag ni Dennis nang makatsikahan namin sa presscon ng Dwarfina na pinagbibida-han ni Heart Evangelista.

Siniguro ni Dennis na mas priority nila ni Jennylyn ang kanilang showbiz career at ito raw ang kani-lang pinagkasunduan.

“Sa trabaho kami ni Jen nakatutok. ‘Yon ang sinabi namin sa isa`t isa. Kahit na may maganda kaming re-lasyon, hindi puwedeng ma-balewala ang aming trabaho. May kanya-kanya ka-ming anak na binubuhay kaya importante na maa-yos kaming makapagtrabaho para tuluy-tuloy ang blessings sa amin,” say pa ni Dennis.

Sa Lunes na magsisimula ang Dwarfina nila ni Heart pagkatapos ng Namamasko Po ni Jillian Ward sa GMA7.