Ai Ai bought her Best Actress trophy?

PNS — PARA sa amin ay hindi na kailangang i-defend ni Ai Ai delas Alas ang pagkapanalo niya bilang best actress sa nakaraang MMFF-P awards night.

Kasi, naniniwala naman kaming deserving siyang manalo.

Pero, sa The Buzz last Sunday ay hindi napigilan ni Ai na ilabas ang kanyang hinagpis sa mga nagkukuwestyon ng kanyang pagkapanalo.

May ilang sektor kasi ang pilit pa ring sinasabi na mas deserving si Jennylyn Mercado na manalo as best actress sa pelikulang Rosario kahit hindi ito na-nominate.

Hinamon pa ni Ai Ai ang mga tao na panoorin pareho ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To at Rosario at tingnan kung si-no sa kanila ni Jennylyn ang mas deserving manalo.

Katwiran ni Ai Ai, hindi kasi sanay ang mga Pinoy na nananalo ang mga komedyante ng acting award na tulad niya. Mas sanay daw tayong ang mga Pinoy na pang-drama ang nagwawagi ng acting award.

Lumabas din ang isyu na baka binili lang niya ang kanyang best actress award. “Kahit may pambili ako ng award, bakit ko naman gagawin ‘yon, eh, alam kong masama ‘yon.

“At saka sarili ko lang mismo ang lolokohin ko kung gagawin ko ‘yon. Alam ko namang ginawa ko ang best ko sa movie,” pahayag ni Ai Ai.