Heart not in good terms with Annabelle

PNS — GMA-7 should probably hire an expert PR team for Heart Evangelista dahil hindi na nga siya in good terms with Annabelle Rama, her talent manager (reportedly until 2012).

The team should conduct a seminar for the actress para matuto siya how to deal with people na dapat alam niya kung makakatulong sa kanya o kahit hindi, kung talagang she was taught good manners and right conduct noong bata pa siya.

Kung sabagay, problema na ni Heart ang tungkol sa magandang PR noon pa mang nasa bakuran siya ng Star Magic, discovery and talent arm ng ABS-CBN, kung saan “alaga” sa “pangaral” tungkol sa magandang pakikisama ang mga talent.

Halimbawa na lang, can you name man lang a Star Magic talent na close o kaibigan man lang ni Heart? No wonder, nang umalis siya sa dati niyang talent management, ang obvious lang na naka-miss sa kanya ay ang dating boyfriend na si Jericho Rosales.

Wala na rin si Echo sa Star Magic ngayon.

Heart should not be “dwarfed” sa pag-aakalang dahil lang bida siya sa isang series, she can snob anyone.

Well, Heart, together with Dennis Trillo, leads the cast of the upcoming GMA-7 series Dwarfina. It will start airing on January 10 with Janice de Belen, Chanda Romero, Cris Villanueva, Mark Bautista and Jestoni Alarcon (who’ll play the Hari ng mga Dwende) also in the cast.