Kristine-Oyo wedding big showbiz event in 2011

PNS — GUSTO talaga nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa na very solemn ang kanilang kasal this January, kaya tahimik lang ang mga ito habang nagpe-prepare para sa kanilang wedding.

Bagaman isinisikreto ng da-lawa ang mga detalye ng kanilang kasal, may nasagap naman kaming balita na sa isang resort daw sa Batangas ito gaganapin sa January 12, 2011, na birthday mismo ni Oyo.

Ang kasalang Oyo-Kristine ang big event na mgaganap sa showbiz sa pagpapasok ng 2011.

Excited naman na si Bossing Vic na mabigyan siya ng apo ng eldest son.

May apo na si Vic at Dina Bonnevie kay Danica, pero hindi pa rin daw maibsan ang kaniyang kaligayahan kapag nakita niyang may anak na ang panganay niyang si Oyo.

“Another apo sa New Year. Depende kay Oyo Boy at Tintin ‘yun, kung masipag sila,” natatawang sabi ni Vic.