Katrina will look elegant as a villain

PNS — MARAMING fans ang impressed ngayon kay Katrina Halili dahil sa iba ang kanyang approach bilang kontrabida sa Beauty Queen.

Hindi siya hysterical na kontrabida, na trademark ni Cherrie Gil. May pagka-class, elegante at pa-demure ang pagko-kontrabida niya sa soap, kaya madali niyang napaibig si Mark (role ni TJ Trinidad).

Ibang-iba ito sa ipinakita niyang pagganap sa Marimar bilang pangunahing kontrabida ni Marian Rivera, na ang rating ng soap ay gumawa ng records sa GMA7 at local TV industry.

Dito sa Beauty Queen, iba ang ganda ni Katrina. Mapapalingon ka sa mga eksena niyang ginagawa kaya masasabing hindi siya apektado sa naging resulta ng kasong isinampa niya laban kay Hayden Kho.

We bet, babango lalo ang pangalan ni Katrina kapag napanood ninyo siya sa Beauty Queen, na hindi nagpapahuli sa beauty at kaseksihan ng bidang si Iza Calzado.