Kris’ annulment case a thorn on her blooming friendship with Mayor Binay

PNS — HINDI masagot ni Kris Aquino kung may namamagitan nang something between Liz Uy and her brother President Noynoy Aquino dahil aniya, malalaki na ang mga ito at wala namang masama sakali mang nagkaka-gustuhan ang dalawa.

Kinumpirma rin niyang split na sina P-Noy at Councilor Shalani Soledad pero hindi na niya sinabi pa kung ano ang dahilan.

One thing, magaganda ang sinabi ni Kris about Liz at inamin niyang buong pamilya niya ay “like” ang magandang stylist.

“Okay, about Liz, among all the naging girlfriends of Noy and among everybody he has dated, si Liz was our family friend before Noy showed interest or before sila na-link sa isa’t isa.

“Because she first styled me when Bimby was four months old for Pantene. So, ganu’n na namin siya katagal (kakilala) and ito lang ang masasabi ko, sa naging public na relationship and breakup nila ni John Lloyd Cruz, she kept her class. Hindi nagsalita, ‘yung parang wala tayong narinig na bitterness and all. So, kahanga-hanga ’yun.

“Pangalawa, she styles me for almost all my endorsements and my shoots, and she volunteered all her services for the campaign, ‘di ba? And until now, siya ‘yung ano. And sa lahat ng nakita ko, gustung-gusto ko na her family is so solid. Her parents have been happily married for 30 plus years, they go to church together.

“So, sa lahat ng nakita namin talaga kasi kay Liz, and nakita namin siya not in the light of somebody not being linked to Noy but as herself as a person, we all really like her and she’s one of my closest friends. Kaya ang hirap mag-comment kasi sasabihin na naman ng mga tao na malungkot siya kaya sila nagkaano, so, panget, ’di ba?”

“And the thing is, my brother is eligible, legit na eligible. So, kung magkagustuhan man sila, it’s none of our business for as long as nagagampanan niya ang pagiging Pangulo ng Pilipinas,” mahabang pahayag ng actress-TV host.

Sa kanyang sariling lovelife naman, tinanong namin kung kumusta na sila ni Mayor Binay at aniya, magkaibigan pa rin naman sila and bago pa man ang kung ano’ng pwedeng mangyari, kailangan daw muna niyang ma-annul.

Hanggang kailan niya ba ine-expect na matapos ang annulment case?

“Actually, it shouldn’t really take so long because we’ll have our hearing tapos, both of us should go to the psychologist for the test. Tapos, another hearing na ako ang witness, one hearing na siya ang witness, tapos may desisyon na. More or less, six months or eight months, magdasal na lang tayo. Sana. Sana by summer, tapos na siya talaga. Kasi, hindi na naman nila kino-contest.”