Jennylyn not ready to work with Patrick

PNS — HAPPY si Jennylyn Mercado dahil nagkakaintindihan na sila ng ex-dyowang si Patrick Garcia.

At ang tawag na raw ni Baby Jazz kay Patrick ay Dada, na siyempre ikinasisiya naman ni Patrick.

Naipapasyal na rin daw ni Patrick ang anak kaya kilala na siya nito pati ang kanyang mga kapatid at magulang.

Pero pinag-iisipan pa raw ni Jen kung paano hahatiin ang oras ng bata sa Pasko kasi family reunion ito ng pamilya ni Jen at family affair din ang Pasko kina Patrick.

Tungkol naman sa pagsasamahan sanang soap nina Patrick at Jen, tulad ng Little Star, nagkomento si Jen na hindi pa sila ready pareho na magsama sa isang project. Ayaw kasi ni Jen na pagpiyestahan na naman sila ng press.

Tamang-tama sana ang story ng Little Star sa kanila ni Patrick. Kaya lang sa Little Star, hindi si Jen ang mabubuntis, kungdi si Lovi Poe, na isang sikat na singer at PA si Jen.

Palabas na tuwing hapon ang Little Star sa direksi-yon ni Maryo J. delos Re-yes sa dating timeslot ng Trudis Liit.