Seem like Willie never left

PNS — Kung tutuusin ay parang hindi nawala si Willie Revillame sa Wowowee dahil halos kapareho ang Willing Willie sa dati niyang show sa Kapamilya Network.

Wala pa ring lady co-host ang TV host dahil ang mga tatlong nasulat noon na mga magiging co-hosts niya ay napag-alaman naming may kontrata pa sa GMA7.

Kaya solong hino-host ni Willie ang show, pati ang pagiging acting director.

Mabuti naman at kasama sa Willing Willie si Mo Twister kaya may karelyebo si Willie sa pagho-host.

Mapapanood tuwing Sabado ang Willing Willie sa alas-5 ng hapon at kapag Lunes hanggang Biyernes ay 6:30-8:30 ng gabi.

Last Tuesday, laking panghihinayang ng audience dahil muntik na sanang makuha ang jackpot prize sa Spin-a-Will segment.

Sa letter ‘W” tumapat ang huling Spin-a-Will ng contestant, pero nag-go home sa huling tawad ni Willie na P50,000.

Sayang dahil siya na sana ang first milyonaryo sa Willing Willie kung saan ang may chance siyang manalo ng house and lot mula sa Camella Homes, P1 milyon cash at isang brand new car.

Anyway, jackpot naman sa rating ang Willing Wil-lie lalo noong pilot episode nito last Saturday kung saan mahigit 38% ang nakuhang rating nito.