New kapuso actor ‘rides’ on Rhian’s popularity

PNS — MASAYA si Rhian Ramos sa career niya sa Kapuso Network na walang permanent leading man.

Tanggap siya ng publiko ang pagiging “single” niya bilang artista. In fact, sa kanyang kasikatan nga nakasandal ang ilang actors na ipinapareha sa kanya. Maraming bagong actors ng GMA7 ang inaasam siyang maging leading lady para sumakay sa kasikatan ni Rhian.

At mayroon ding mga Kapusong bagets na nagsa-sabing crush nila si Rhian tulad ng anak ng dating actress na si Tina Monasterio na si Derrick Monasterio.

Tungkol sa umano ay panliligaw ni Aljur Abrenica na leading man ni Rhian sa Ilumina, say ng act-ress:“Hindi ako nililigawan ni Aljur. Ganu’n din noong kami ang mag-partner ni Richard Gutierrez o ni Dingdong Dantes.”

Nakausap namin ang magaling na young actress sa set ng Kaya ng Powers at aniya: “Hindi talaga ako puwedeng magka-boyfriend sa ngayon. Kasi, wala akong panahon sa guys. Halos wala na nga akong pahinga ngayon. Kaya minsan hindi na ako nakasisipot sa Party Pilipinas. Rest day ko lang kasi ay Saturday and Sunday.” Sa Kaya ng Powers, pinag-aagawan siya rito nina Rocco Nacino at Enzo Pineda. At sa episode ngayong Saturday sa Kaya ng powers, guests sina John Lapus at Tomas Gonzales. Riot sa comedy ang epi-sode dahil maraming magic ang mapapanood dito.