The cause of Toni Mariel quarrel

PNS — Isang very reliable source ang nagkwento sa amin na may kinalaman daw sa panlalait ang tunay na dahilan ng away nina Mariel at Toni Gonzaga.

Ayon sa aming source, pangalawang beses na raw ito na nagkasamaan ng loob ang dalawa dahil sa parehong dahilan.

Nagsimula raw ito noong nagkakasama pa ang dalawa sa mga Pinoy Big Brother projects kung saan ay pareho silang hosts kasama si Bianca Gonzales.

Diumano, may nagpaparating kay Toni ng mga panlalait ni Mariel sa kanya.

“Pinapabasa kay Toni ng mga kaibigan niya ang text ni Mariel kaya alam ni Toni na talagang kay Mariel galing,” kwento ng aming source.

Isa raw sa nabasang text ni Toni ay nang sinabihan siyang duling ni Mariel.

“Masasakit yung mga sinabi ni Mariel, hindi lang duling, basta tungkol lahat sa panglalait niya kay Toni.”

Naayos na raw ang gusot ng dalawa before pero naulit na naman nang may makarating na naman kay Toni na may mga bagong sinasasabi na naman si Mariel na panlalait.

“Kaya nag-away na naman sila,” say ng aming source.

Well, hindi natin alam kung totoo o hindi ang kwentong ito pero siguro, ang makakasagot lang niyan ay ang dalawang involved sa away mismo na sina Mariel at Toni.