Stef enjoys villain role

PNS — PAGKATAPOS isabak si Stef Prescott bilang kontrabida sa Langit Sa Piling Mo nina Heart Evangelista at Mark Herras, isang bagong fantaserye naman ang ginagawa ngayon ng StarStruck graduate.

“So thankful to GMA7 dahil kasama ulit ako sa Grazilda. This is a follow-up project after Langit Sa Piling Mo, at si Glaiza (de Castro) ang bida sa bagong fantaserye ng Kapuso,” bungad ni Stef sa interview namin.

Kontrabida rin kay Glai za ang papel ni Stef sa Grazilda. Tila nagi-enjoy na siya sa pagiging kontrabida?

“They’re enjoying making me a kontrabida,” she laughs.“Masaya naman para sa akin kasi parang it gives me chance to do different characters.

Hindi ka ba natatakot ma-typecast as kontrabida?

“Hindi naman,” mabilis na sagot ng dalaga.

Kadalasan, kinaiinisan ng televiewers ang mga kontrabida. Handa ka na bang kainisan ng mga tao? “Okey lang. Bumabawi naman ako. Kapag wala ako sa screen at kapag may mall shows, nakikita naman nila kung ano ‘yong totoong ako. Hindi ko naman dinadala ‘yung pagiging kontrabida ko sa malls.”

Ayon pa kay Stef, noon pa raw niya hinahangaan si Glaiza bilang kontrabida.

“Si Glaiza, magaling talaga si-yang kontrabida. Nakasama ko siya sa Boy Next Door four years ago, and nu’ng time na ‘yun bida pa silang dalawa ni Marky (Cielo). Sabi namin, sa tinagal-tagal niya sa showbiz, sa pagiging kontrabida pala siya bobongga. Nu’ng napapanood ko siya sa Diva, ang galing niyang gumamit ng eyes. Uma-arte talaga pati ang ang mga mata niya. Tapos nasundan pa ng Stairway To Heaven nila nina Dingdong (Dantes) at Rhian (Ramos). Ang husay din niya ru’n.”

How does it feel to be a kontrabida to Glaiza na kilala bilang magaling na kontrabida at ngayon, bida na?

“Actually, masayang-masaya ako for Glaiza. Nakita ko rin naman kung gaano siya katagal naghintay. Ang tagal na rin niya sa showbiz. Almost 10 years na rin yata. Nagsisi-mula pa siya sa kabilang network. Sobrang hanga rin ako sa kanya kasi nagtiyaga talaga siyang naghintay ng break,” sambit pa ni Stef.

Handa na siyang apihin si Glaiza?

“Opo. Handang-handa na. Para sa ikagaganda ng istorya namin, gagawin ko ang lahat to make her life miserable.”