Pokwang cries during Charlene’s interview?

PNS — Napanood namin noong Linggo sa The Buzz ang interview ni Charlene Gonzales kay Pokwang kung saan naglitanya ito ng kanyang sama ng loob sa mga taong patuloy na tumitira sa kanya. May instance na umii-yak ito at kung minsan naman ay nagpapatawa pa.

Pero bakit kaya hindi namin ma-feel ang sincerity ni Pokwang pati ang kanyang pag-iyak? Komento ng isa naming kasamang nanonood, bakit hindi raw masabi ni Pokwang kung sino ang taong binanggit ni Charlene na may malaking pag-kakautang sa kanya?

Dahil kaya hindi naman ito totoo?

Nagkataon naman na nakausap namin si Tita Cristy Fermin at sinabi nito sa amin na siya raw ang tinutukoy daw ni Pokwang, pero tinawanan lang ito ng TV host. Alam daw kasi naman ni Pokwang kung saan siya pupuntahan dahil noong may problema siya sa kanyang mga kasamahang artista noon, personal niyang pinuntahan si Tita Cristy para magsumbong at umano ay “ipasulat” sa host ng Paparazzi na siraan ang “kinaiinisang” artista na walang iba kundi si Cristine Reyes, na kasama niya noon sa Banana Split.

Ayon pa kay Tita Cristy, dalawang paintings na kinuha ni Pokwang ang hindi pa nito nababayaran at alam daw ito ng nagda-dramang ko-medyana. Sana raw, magpakatoo si Pokwang o baka hindi niya alam na “naga-gamit” siya ng Dos para pang-damage control sa isyu tungkol kay Willie Revillame?

Mataray na sabi tuloy ng isang miron, ganoon na ba karami ang pera ni Pokwang at puwede na siyang maka-pagpautang? Sa true lang, kung “manghihiram” man si Tita Cristy, siguradong kay Kuya Boy Abunda na dahil hindi hamak na mas matagal na niya itong kaibigan at can afford itong magpautang, huh! Hindi nga lang ginagawa ni Tita Cristy dahil alam din daw kasi ni Kuya Boy kung anong prinsipyo mayroon si Tita Cristy.