Anne and Richard, bathe together!

PNS — Dahil matagal nang nakalipas ang relasyon nina Anne Curtis at Richard Gutierrez, nang magkatrabaho sila ulit via the movie In Your Eyes, co-produced ng Viva at GMA Films, mature na sila and walang ilangang nangyari.

Sa solo presscon ni Anne kahapon, inamin niyang medyo hindi maganda ang breakup nila noon at medyo hate raw niya si Chard after they broke up.

“Pero mga after a year, ayun, doon na kami naging okay and ayun, napagtatawanan na lang namin ’yung mga immaturity namin, ’yung mga pag-aaway namin, napagtatawanan na lang naming lahat na si Ate Clau (Claudine Barretto, kasama nila sa movie), wala nang ginawa kundi mang-asar sa amin na ‘hus, may feelings pa kayo para sa isa’t isa, eh,’” kuwento ni Anne.

Pero if there’s one thing na hindi niya makakalimutan kay Chard, kapag nag-aaway daw sila noon, ito parati ang nag-e-effort na gumawa ng first move para magkaayos sila.

“Like, naaalala ko before, pag-uwi ko, sa pintuan mismo, may flowers, tapos, may ‘sorry,’ may mga ganyan pa siyang notes. E-effort naman siya para mag-sorry. He’s very sweet and thoughtful in that way.”

Sa sobrang kumportable nga nila in working together sa project na ito, napapayag sila sa napakaraming kissing, bed at love scenes.

Ang tsika pa, nag-request pa raw si Richard ng additional love scene kaya nagkaroon sila ng shower scene.

“Eh, kasi nu’ng last day,” natatawang kuwento ni Anne, “nag-request pa si Chard na parang na-feel niya na dapat daw, mas may mabigay pa raw kami, parang nakulangan daw siya sa love scene namin.

“So, sabi ni Richard, ‘I think we should do this (the shower scene), what do you think, Anne?’ So, siyempre, as an actress, I also respect the opinion of my co-actor. And kung sa tingin niya na go, then go. And nakita ko naman ’yung result du’n sa trailer, worth it naman.

“It was worth the extra hours of working na pati kami naloka, 3 a.m., but it was worth it. So, sabi ko, tama rin naman si Chard,” sabi ni Anne.

Ito na nga raw ang pinaka-mature na pelikulang nagawa nina Richard at Anne dahil grabe raw talaga ang love scenes to the point na pati si Annabelle Rama ay na-shock.

Say ni Anne, first shower scene niya ito at talagang sinabi niya sa sarili bago gawin na “kaya ko ’to.”

“And in all fairness kay Chard, after shooting, tinext pa niya ako, sabi niya, ‘thank you so much, Anne,’ sabi niya, ‘I know it will be worth it blah, blah, blah.’ Sabi ko naman kay Chard, ‘anything for the movie.’”