Kris caused of separation between Sen. Chiz and his wife?

PNS — HOW true na nag-file daw ng annulment si Senador Chiz Escudero sa asawang si Christine Flores Escudero kamakai-lan?

Lumabas ang balitang ito sa online showbiz news na www.stir.ph kung saan nabanggit din ang pangalan ni Kris Aquino.

Panibagong isyu na naman ito na tiyak sasagutin ng Queen of All Media.

Kung totoo ang balitang ito, ibig bang sabihin nito love triangle sila — Chiz-Kris-Junjun?

Matatandaang nagpaliwanag na si Kristeta sa mga lalaking inili-link sa interview ni Boy ABunda sa kanya, especially ang tungkol kina Sen. Chiz at Mayor Junjun Binay.

Sa paliwanag ni Kris, tanging si Mayor Junjun daw ang masasabing mas pinag-ukulan ni Kristeta ng pansin.

Hindi ba’t sinabi pa ni Kris na kapag naayos ang lahat at gusto siyang i-date ng Makati mayor, she’s willing to go?

Ang sa kanila daw ni Chiz, say ni Kris, ay baka sa pulitika lang sila magiging magka-tandem.

Pero bakit ngayon pumasok ang pangalan ni Kris sa diumano’y paghihiwalay nina Chiz at ng asawa nitong si Christine, kung totoo man ito.