Vic, Pia’s lover’s quarrel

PNS — Sa interview ni Ricky Lo kay Pia Guanio, nakumpirma nga na may “tampuhan” sila ni Vic Sotto.

Inamin din ni Pia kay Ricky na may differences sila ni Bossing Vic at hindi na nito idinetalye kung ano ’yung differences nila ng sikat na TV host/comedian/ actor.

Matatandaang si Ricky Lo rin ang unang nagsulat na “on the rocks” ang relationship nina Bossing Vic at Pia, pero hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Vic tungkol sa issue.

Hindi naman ito naka-kagulat dahil noon pa ay hindi nagbibigay ng paha-yag si Bossing Vic tungkol sa kanyang lovelife.

Anyway, wait lang tayo kung magkakaayos pa rin ang dalawa.