Sarah, Rayver naging magdyowa kahit hindi nagde-date

PNS — Bawal ungkatin o tanu-ngin si Rayver Cruz sa presscon ng horror movie under Star Cinema na Cinco ang kay Sarah Geronimo dahil hindi naman kasama sa movie ang singer-actress.

Pero tsika ng source, totoo raw nagkaroon ng relas-yon sina Sarah at Rayver for almost two years.

Dagdag pa ng source, na-ging magdyowa ang dalawa na walang nangyaring pa-mamasyal o date. Basta naging mag-on lang ang dalawa thru text at tawagan sa phone.

Naputol lang umano ang relasyon nila nu’ng komprontahin ng father ni Sarah si Rayver at pagsabihan na tigilan na ang anak.

Going back sa Cinco, sa “Mata” episode ay leading lady ni Rayver si Maja Salvador.

Say ni Rayver, wala si-yang pinopormahan sa nga-yon at happy sa pagiging single. Kahit nga raw si Maja, hindi niya maligaw-ligawan kahit sobra silang close.

“Kapag nag-uusap nga kami ni Maja sa shooting, ang sabi namin, bakit hindi kami magkadebelopan? Siguro wala lang time o hindi pa talaga panahon. Magkaibigan kasi kami at wala pa talaga kaming napi-feel.

“Siguro, pinipigilan lang niya (Maja) na ma-in-love sa akin. Pero tingnan natin in the near future, malay mo? Hahaha,” natatawang kuwento ng young actor.

Tungkol naman kay Cristine na ini-link ngayon kay Rayver, idinenay ito ng binata pero aminado siyang nagpupunta nga raw ang utol ni Ara Mina sa kanyang bar dahil kaibigan ito ng kapa-tid niya.

“Kaibigan ni Cristine ang younger sister ko at ito ang madalas puntahan niya. Natural na kapag nandoon ako, hindi maiiwasan na magkausap kami.’Yun lang ’yun at wala ng iba pang kahulugan,” depensa pa ni Rayver.