Princess on Pacquiao: I’m not guilty

PNS — STARSTRUCK V’s Princess Snell can’t explain why she’s being linked to champ Manny Pacquiao who allegedly gifted her with a condo unit and a car worth P20 million. “Nasaan?” she laughs. “I really wish somebody would give me those things para di na ko mahirapang magtrabaho pa at maipagamot ko ang mommy kong may sakit. I think it all started noong magpa-picture ako sa kanya tapos, para ipagmalaki sa friends ko, I posted it in my Facebook account. After that, doon na lumabas na isa ako sa mga babae ni Manny Pacquiao. I was really shocked kasi nakakahiya. But I don’t feel guilty at all. Puwede akong humarap sa misis niyang si Jinkee and tell her it’s not at all true.”

Princess is thankful to GMA7. “Even if I’m not a part of the top 5 winners, di nila ako nakakalimutan. Kasali ako ngayon sa ‘Bubble Gang’ and ‘Startalk.’ But what I really want to try now is act in a teleserye. Gusto kong magkontrabida. “