Imelda, gustong umuwi si Nora

PNS — SI Madam Imelda Marcos ang unang celebrity na na-sight ng yours truly sa audience sa katatapos na launch ng latest endorser ng Joel Cruz Signatures.

That time, ini-interview ang dating Unang Ginang ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual.

Pagkatapos ng interbiyuhan, nilapitan ng inyong lingkod si Madam para sa ilang katanungan:

Ma’m, kumusta po, long-time no-see.

Imelda: “Ay, mabuti…mabuti naman ako (with matching Imeldific at glamorosang smile na kanyang-kanya lang).”

May balak po ba kayong tumakbo as President sa 2010?

Imelda: “Ah…hahaha! Sa ngayon, wala, wala talaga akong balak.”

Kaya po ba nandito kayo ngayon sa event ni Joel Cruz ay dahil fond pa rin kayo sa dati n’yong slogan na “the true, the good and the beautiful?”

Imelda: “The truth is…the beautiful got me thrilled…anything that makes me thrilled, that is. Anything true and good and beautiful I support. Because that’s the only thing that unite us as a people. And that is the only thing that will lift us from the difficult situations and problems. And I look forward to a great country and we must all unite with what is beautiful and what is right.

“Ang layunin para sa sarili, walang-wala na. Para na lang sa bayan at sa kapuwa-tao. Sa madaling panahon, palagay ko, sa awa ng Diyos, mabibigyan ako ng pagkakataon para ako’y makapagbigay ng aking pagmamahal, lingkod at tulong sa madla.”

Ma’m, sino po ang paborito n’yong artista natin ngayon? Sino po sa mga endorser ng Joel Cruz Signatures ang pinuntahan n’yo rito: Si John Lloyd Cruz, Dennis Trillo, Alfred Vargas, Ronnie Liang, Pauleen Luna o Lovi?

Imelda: “Hahaha! Naku, sa ngayon, I don’t have the luxury right now to watch movies. But ah, I hope I will be able to do it soon because you see, I get checked up abroad for my eyes.”

Ma’m, I know you still remember Nora Aunor because you always got her sa events n’yo noon. Are you hoping that she would come back to the Philippines?

Imelda: “Well, of course, she is a Philippine artist, she will come back. I’ll pray that she will come back.”