Kwawang PInoy

I truly believe what the bible says ” sa mga huling panahon magpapakagahaman ang mga gahaman, magpapakasama ang masasama, magpapakabuti ang mabubuti.

Sa hirap ba ng buhay, dahil sa kakulangan ng edukasyon, sistema ng gobyerno at sistema ng mga malalaking negosyong umiiral sa ating bayan, na walang inatupag kundi ang magsamantala sa nakararaming maliliit na Pinoy?Mga end-users laging apektado!

Hindi naman lingid at di tanga ang mga pinoy para di maramdaman at malaman ang mga kamalian, kapal ng mga pagmumukha at pagsasamantala, di lang ng mga buwaya sa gobyerno, kundi pati mga higit pa sa mga buwayang naglalakihang negosyante.

Nakakalungkot kasing isiping “Sa Pera” na lang nabubuhay ang karamihan sa atin. Parang wala ka nang karapatan sa bansa natin kapag wala ka nito. ” Love Of Money is the root of all evil”.”Men shall not live by bread alone”. Mga verses sa Bible na pinatutunayan ng sitwasyon ngayon.

Nung patuloy ang pagtaas ng langis, ganun din ang pagtaas ng mga produkto, serbisyo etc. Bakit sa pagbagsak ng presyo ng langis, patuloy pa rin ang pagtaas ng mga halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, at kung ano-ano naman ang kanilang mga kadahilanan. Mga dahilang turo ng lason sa kanilang pag-iisip na galing kay Taning.

Ang Meralco, Oil Co., Foodchains, Telecommunications at iba pang malaking kompanya. Bakit walang mambabatas na silipin ang profitabilities nito lalo nat ang mga sistemang ginagamit nito sa kanilang mga empleyado o manggagawa.

Meralco magtataas na naman, hayup talaga, billionaire ang mga may-ari. Magsisi na kayo.

Let’s say SM, multi-billionaire na ang may-ari, pero bakit mukang kakakurampot ang benepisyo ng mga empleyado nito, ganun na rin sa mga sikat na mga foodchain na di naman nawawala sa Top Corporations every year. Puro contractual ang manggagawa na halos allowance lang ang pinapasahod. Kung tutuusin kaya nila magbigay ng benepisyo na kagaya ng sa malaki pang ibang kumpanya.

Paano magpapamilya ang maliit na Pinoy at mapapag-aral ng maayos ang mga anak upang maging kapanibangan ng bayan balang-araw. Sobra ang pagod sa trabaho ang liit ng kita.

Ang istilo pa ng gobyerno, halos himukin ang bawat Pinoy na mag-aral at magtrabaho sa ibang bansa, na pagnandun na, yung buwis sa kita na lang ang target. Pero yung safety at aruga sa mga kababayan natin dun, wala, bahala ka na sa buhay mo.

Maya’t-maya ang nakawan, habang nagtutuyo at instant noodles (pambansang pagkain), ang mga malilit na kababayan natin, sa isang araw, isang beses lang kakain. Hindi kasi kasama ata sa Civil Society na sinasabi ng mga pasosyal na mga Burgis, na marami ring baho sa pagkatao.

Daang-daang milyones ang ang mga binulsa, lahatin na natin kahit mga nasa oposisyon man o Pro. Magagaling lang silang magsalita sa Media, full-english. Matatalino at hayup sa mga pananaw. Pero bakit bagsak pa rin ang kabuhayan natin, di kaya mga sariling negosyo o bulsa lang nila ang napapaburan.

Ang Malacañang ang promotor sa panunuhol sa tao sa paligid n’ya. Tinutuwid ang baluktot at ang matuwid binabaluktot.

Tinutupad lang nila ang nasusulat at sinabi ng Panginoon. “Sa mga huling panahon mananagumpay ang kasamaan. Kaya praise the Lord kinuha n’ya si Kuya Pando dahil mabuting tao siguo ito.

“Magpakabusog na kayo dahil kahit si Satanas di kakailanganin sa impiyerno ang mga kwarta n’yo. Sigurado mga kaluluwa n’yo hawak n’ya na”.

Sayang wala ng Andres Bonifacio ngayon. wala ng Jose Rizal at wala na ring Ninoy Aquino. Ang tao tinatakot na lang, gusto nilang magkaroon ng full-control, para magawa nila lahat ng masamang gusto nila.

Huwag nilang ipagmamalaki ang mga konting magaganda raw na nagagawa nila, responsibilidad n’yo yun.

Sana wala munang pork barrel at bawasan ng kahit 20 percent ang mga sahod ng mga buwayang ito para ating bayan.

Price control wala ng control.

Hay naku! ewan ko sa inyo kung saan kayo pupulutin, ano kaya maipagmamalaki n’yo para maging katanggap-tanggap kayo sa langit?