Manny gives .5 million to Claudine’s son

PNS — MGA ‘anik-anik’ pang pangyayari sa katatapos na party which Claudine Barreto and Raymart Santiago organized for their son, Rodrigo Santino, who turned one-year-old. His original birthdate is July 19.

Many Pacquiao reported birthday gift to Rodrigo was a check amounting to P500,000.

Now for those who are wondering if Manny is such a good friend of Claudine and Raymart, matatandaang noong bininyagan ang anak ni Manny na si Princess, Claudine took the task of looking after all the details na may kinalaman sa handaang ginanap sa isang restaurant sa Makati.

O, ’di ba may kasabihang, ’pag may tinanim, tiyak na may aanihin.

Gabby Concepcion’s wife, Ginbee was with six-month-old daughter, Samantha. She choose to be inconspicuous, though. Ni ayaw niyang magpakuha ng litrato. Nor, did she allow herself to be interviewed on tv.

Gabby was in Lipa, Batangas for a personal appearance commitment.

Gabby plays one of Claudine’s leading men (the other is Diether Ocampo) in the series, IIsa Pa Lamang on ABS CBN.

Diether was at the party, too. He shares a birthday with Claudine and Raymart, July 20. Which was that Sunday.

I bet na ang pinaka-big wish ni Diether ay magkaroon din siya ng isang ‘Claudine’ sa kanyang buhay.

Diether publicly announced na kaput na sila ni Kristine Hermosa.

He has now moved on, sabi pa niya.

Dumating si Liz Almoro, ex-wife ni Willie Revillame, kasama ang anak na si Emmanuel, na magtu-two years old.

It was the first time na nag-attend together ng isang showbiz function ang mag-ina.

Sayang at nakaalis na si Liz nang dumating naman si Meryl Soriano, na kalung-kalong naman ang seven month-old na anak na si Elijah, whose Dad is Bernard Palanca.

Like her stepmom, Liz, single mom din si Meryl.

But while annulled na ang marriage nina Liz at Willie, nasa process of annulment pa lang yata ang kina Meryl at Bernard.

Jenny Miller, isa sa best friends ni Claudine, came. Pumayat siya and she looked good. Did we hear it right na ang kanyang kasalukuyang boyfriend is related to the famous Dy family of Isabela?

Rodrigo, the supposed ‘kid’ of the hour, ay naka-striped t-shirt lang.

Aware kaya siyang he was the honoree of the supposed biggest showbiz party for a one-year-old?

A spitting image of Raymart, haping-hapi siya kapag itinataas sa balikat ng kanyang amang si Raymart.