Umaalma
ang entertainment industry sa bagong 20% tax
Kung dating 10% lang ang buwis sa bawat talent fee ng mga entertainers,
artists and athletes, gagawin ng 20% ngayon ng BIR. Ito ay effective
September 1, 2001. Halos lahat ng mga artista ay hindi pabor dito
dahil para raw lalong parusahan ang naghihingalong industriya. Taliwas
daw ito sa hangarin ng Presidente Arroyo na tulungan ang movie industry.
Eto ang ilan sa mga pahayag ng mga artista tungkol dito:
Sharon Cuneta: Hindi pabor. Habulin daw ang mga hindi nagbabayad
ng taxes, hindi raw sila na "nagpapasaya sa mga taong mahihirap
at nagbabayad nang tama".
Direk Chito Rono: Gustong ipa-alala sa BIR ang pangako nilang tax
incentive. Wala raw "synergy" sa gobyerno. "Kanyang-kanya."
Cherry Pie Picache: Marami raw ang walang trabaho ngayon. Dati
raw ay 190 films ang nagagawa natin sa isang taon pero ngayon daw
ay swerte kung maka-60.
Kris Aquino: Dapat fair daw ang taxation. Okay lang daw ang increase
sa mga nag-e-earn ng 100 T sa isang buwan. Sana raw ang panatilihin
ang 10% dun sa mga hindi umaabot sa 100T ang kita kada buwan.
Showbiz
tidbits
* Starring si Rustom Padilla at Romnick Sarmenta sa "Paradise",
isang TV drama series na pinapalabas sa Singapore. Ang mga kapareha
nila rito ay mga Singaporean models na si Nadja Hutagalong (naging
MTV VJ din), Lum May Yee at Michelle Chong. Ang naging direktor
ay Pilipino rin, si Raul Ona at Jeffrey Jeturian.
* Boyfriend na raw ni Angelu de Leon ang dating BF ng boldstar
na si Katrina Paula. Ang lalaki ay anak ng pulitiko sa La Union.
* Boyfriend daw ni Joyce Jimenez ngayon si Mico Palanca, nakababatang
kapatid ni Bernard Palance na BF naman ni Rica Peralejo.
* Official na mag-on sina Dominic Ochoa si Janna Victoria.
* Engaged si Ana Roces sa kanyang non-showbiz na BF na isang businessman.
Sa January 2002 raw ang kasal.
* Engaged na raw si Ruffa Gutierrez sa Turkish BF nito na si Yilmaz
Bektas.
Sino kaya... Hmmm?
* Sino ang aktres na contract star ng malaking TV network na kompirmadong
buntis at nagtatago sa US? Hindi raw alam ng pamilya nito ang tungkol
sa kalagayan niya dahil buong akala nila ay nagpapalipas lang ito
ng sama ng loob dahil sa mabagal na takbo ng career nito.
* Sino ang sikat na aktor na may sariling soap opera at kabi-kabila
ang TV shows kahit hindi ito marunong umarte? Eto raw ay dahil sa
malakas ang koneksiyon nito sa TV network dahil "papa"
raw nito ang isang executive doon.
* Sino ang dalawang TV show hosts na patuloy pa rin ang relasyon?
* Hiwalay sa asawa ang lalaki samantala bini-build up ang seksing
aktres ng TV network. Pinalabas na nagkahiwalay na ang dalawa para
mapaganda ang imahe ng babae pero marami pa rin ang nakaalam na
isang hotel room lang ang kinuha ng dalawa ng magkasama sila para
sa isang out-of-town engagement.
* Sino ang young aktor na ito na naka-relasyon ng isang fashion
designer bago naging sikat ito? Nagkita daw muli ang dalawa at natupad
ang gustong mangyari ng fashion designer dahil may pinagsamahan
din sila ng aktor. Ang young aktor ay sinasabing isa sa mga pinakasikat
sa kanyang generation.
* Sino ang starlet na buntis na naman raw? Playgirl ang image nito
dahil maraming na-li-link dito katulad ng anak ng isang character
actor at guwapong bagets na bf ng isang young actress. Ang ama ng
anak nito ay isang comedian na dating miyembro ng isang dance group.*
Page 1 2
3
|