
May
death threats kay Mayor Vi
Kinompirma ni Mayor Vi na nakatanggap siya at ang kanyang asawa
na si Senador Ralph Recto ng mga death
|
 |
|
|
|
|
threats na nagsaad na may inutusan sa National Penitentiary (Muntinlupa)
para i-liquidate silang mag-asawa. Yun ang dahilan kung bakit lie
low muna siya sa kanyang mga commitments habang inimbestigahan ng
Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) ito. As of presstime,
hindi malaman kung sino ang may pakana nito at kung ano ang dahilan
pero may mga haka-haka na konektado raw ito sa shabu laboratory
sa Lipa na pina-raid ni Mayor Vi kamakailan. Pwede rin daw na politically-motivated
ito dahil nakatanggap na rin siya ng death threats simula pa nung
una siyang umupo as mayor ng Lipa. Sinabi rin ni Mayor Vi na parang
may "hate campaign" din laban sa kanya at sa kanyang pamilya
dahil maraming lumabas na tsismis na kesyo mayroong dalawang anak
sa labas si Ralph, na girlfriend daw nito si "Gracia"
(commercial model ng PLDT), na na hiwalay na raw silang mag-asawa,
na lover daw niya ang Vice Mayor niya na si Boy Mangera, at ang
pinakahuli, na inaayos na raw nito ang kanyang mga gamit sa opisina
dahil mag-re-resign na raw ito. Lahat ito ay pinabulaan ni Mayor
Vi. Maligaya raw sila ni Ralph at wala raw siyang balak na mag-resign
dahil hindi raw siya tatalikod sa tungkulin niya bilang Mayor ng
mga Lipenos.
Sino
ang tunay na Ina ni Matet?
 |
|
|
|
Nasa gitna ng kontrobersiya si Matet de Leon ngayon dahil lumalabas
na dalawa ang babae na nagke-claim na sila raw ang biological mother
ng adopted daughter ni Nora Aunor. Isa rito ay si Celia Villanueva-Bocabe
na malaki raw ang pagkakahawig kay Matet sa hugis ng mukha, mata
at kilay. Si Celia ay kilala bilang "Reyna ng Mabini"
nung kabataan niya. Ayon sa kwento niya sa isang showbiz talkshow,
German daw ang ama ni Matet at "ang marka ng pusod na pumulupot
sa braso" ng bata na isinilang niya ang kanyang palatandaan.
Walang pinanghahawakang katibayan ni Celia maliban sa mga sinabi
nito pero willing daw siya na magpa-DNA Parentage Analysis. Lumantad
na rin ang sinasabing German national na si Dieter G na nagpahayag
na siya raw ang ama ni Matet. Kahit matagal na hindi nagkita si
Dieter at Celia, parehong-pareho ang kanilang kwento tungkol sa
kanilang love affair. Katulad ni Celia, wala raw balak si Dieter
na bawiin si Matet. Gusto lang raw nito na makilala ng personal
ang "anak". Willing din ito magpa-DNA Test.
Samantala, isang Baby Paz ng Olongapo City naman ang nagsabi na
kilala raw niya ang tunay na ina ni Matet. Kasama raw siya nang
dalhin si Matet sa bahay ni Nora noong 1983. Walang katotohanan
daw ang lahat ng pinagsasabi ni Celia.
Sa kabila ng mga naglalabasang intriga, hindi pa handa si Matet
na harapin ang alin man sa mga babaeng nag-ke-claim na ina niya.
Hindi raw niya alam ang gagawin niya at kung ano ang magiging reaksiyon
niya. Haharapin niya raw ang sitwasyon pag handa na raw siya.
Page 1 2
3
|