Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Sept - 14 Oct 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Mula sa mambabasa
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Monthly update
Email Address:

KC Concepcion: Ang pinakabagong "Star"

 

KC Concepcion

SIMULA nung ni-launch siya bilang pinakabagong image model ng Human (isang alternative RTW label na sister company ng Bench) at lumabas sa entablado bilang Princess Sapphire sa "Little Mermaid", naging laman si Maria Kristina Cassandra "KC" Concepcion ng halos lahat ng diyaryo at magasin. Halos lahat ay nahalina sa kanyang angking ganda, talino, "sweetness", at talento sa pag-arte at pagkanta. Siya na rin ang pinakabagong "crush ng bayan" dahil sa dami ng nagpahayag ng paghanga sa kanya katulad ni Dingdong Dantes, Cogie Doming, Diether Ocampo, John Prats at iba pa.

Matagal ding inalagaan ni Sharon na maging "normal" ang buhay ni KC. Simula pa raw 9 years old ito ay marami na raw siyang offers na natanggap para sa TV, pelikula at commercials. Hindi lang naman daw ang pera ang dahilan kung bakit tinanggap nila ang offer ni Ben Chan ng Human (balitang P 5 - 10 M ang talent fee ni KC para sa print at TV ads). Nagkataon lang daw na talagang gumagamit na si KC ng Human products at matagal nang kaibigan ni Sharon si Ben Chan. Alam din ni Sharon kung paano mag-alaga ang Bench sa kanilang mga models na katulad ni Richard Gomez, Jomari Yllana at Borgy Manotoc kaya madali siyang napa-oo sa pinaka-unang commercial ng anak.

Tungkol naman sa "Little Mermaid", si KC raw mismo ang nag-desisyon na sumali rito. Pumila raw talaga ito at nag-audition, katulad ng ibang kasamahan nito. Pinalad naman siyang mabigyan ng isa sa mga lead roles sa nasabing play. Pumayag si Sharon dito dahil sa Trumpets ito na isang Christian production (may agreement daw sila na 10% sa lahat ng kikitain ni KC pati sa mga commercials ay ibibigay nito sa kanilang church).

Sa ngayon, kabi-kabila ang offers kay KC sa pelikula pero ayaw nila dahil masyado raw magulo ang showbiz. Masaya raw siya sa theater at first love daw niya ang pagkanta katulad ng Mom niya pero priority pa rin daw niya ang kanyang pag-aaral. Hanggang Agosto lang ang "Little Mermaid" kaya maka-concentrate pa rin ito sa kanyang studies sa International School pagdating ng September. Consistent honor student ito at aktibo pa sa extra-curricular activities katulad ng choir, year council at environmental club. Hindi kataka-takang maging proud na proud si Sharon sa mga achievements ni KC sa murang edad nito. Nagpapatunay lamang na maganda ang pagpalaki nito sa anak.

Page 1 2 3

Home


OTHER STORIES

KC Concepcion: Ang pinakabagong "Star"

May death threats kay Mayor Vi

Sino ang tunay na ina ni Matet?

Umaalma ang entertainment industry sa bagong 20% tax

Showbiz tidbits

Sino kaya...hmmm?

 





ADVERTISE WITH US

AVAIL OF OUR VERY SPECIAL PROMO FOR ONLINE ADVERTISEMENTS

THIS SPACE CAN BE YOURS!

For more details, CLICK HERE.

back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved