|

Vic, kasama mo ako!
MAHIGIT na tatlumpung taon ang nakalipas, noong Disyembre 29, 1970,
ang sumusulat ng pitak na ito ay inakusahan ng pamahalaan, kasama
ni then Lt. Victor Corpus at CPP-NPA founder Jose Ma. Sison (at
pitong John Does) of raiding the armory of the Philippine Military
Academy (PMA). Then Baguio First Asst. City Fiscal Salvador Valdez,
now a Court of Appeals (CA) Justice, filed Criminal Case No. 179
entitled "Robbery In-Band," alleging that we carted away
and brought the following guns and ammunitions to the mountains
of Sierra Madre and delivered them to our NPA comrades: "Eleven
carbines; 21 Browning automatic rifles; six air-cooled machineguns;
one rocket launcher; two Chinese-made AK 47; two Garand rifles;
3,200 rounds of .30 caliber ammunition; 2,260 rounds of .30 caliber
tracer bullets; and 195 rounds of carbine bullets. All valued at
P86,087.40."
Sa loob ng mahigit na dalawang taon mula ng maganap ang nasabing
pangyayari, ipinagtanggol namin ang aming sarili, sa isang legal
na kaparaanan at sinabi sa hukuman na walang basehan ang nasabing
akusasyon. Noong Hunyo 15, 1972, Judge Feliciano Belmonte, Sr. of
CFI Baguio, ama ni dating Speaker at ngayon ay Mayor of Quezon City,
Sonny Belmonte, Jr., acquitted us of the criminal offense and ordered
us released from the bail bond we have earlier filed. During the
whole trial, we alone stood and defended ourselves, as Corpus and
Sison were already with the NPA partisans in the mountains. This
acquittal relates only to us and did not include Corpus, Sison,
and the seven John Does charged by the offense.
Sa nabanggit na pangyayari, hindi ako kasama ni Vic, pero sa ngayon,
sa mga napalathalang nakatagong yaman ni Senador Panfilo Lacson
na isiniwalat ni Col. Corpus, now Chief of the ISAFP, kami at ang
pitak na ito ay 100% na kasama niya sa kanyang krusada tungo sa
pagbabago. Ang aming pagsangayon ay nakatutok sa korte, kung saan
nararapat patunayan, sa pamamagitan ng ebidensiya, ang kaso ng butihing
senador.
Nang kami ay nag-aaral pa sa UP noong dekada '60, pinamunuan namin
bilang Presidente ng Student Cultural Association of UP (SCAUP).
Isa sa mga nakasama naming namuno sa nasabing samahan ay ang dating
si Ms. Mely Tiglao (now Mrs. Victor Corpus) na tumayong sekretaryo
namin. Ang kilusang makabayan ay lubhang malakas noon di lamang
sa UP kundi sa halos lahat ng mga pamantasan sa buong Maynila. Kasama
si Mely, Vic, Sison, at ang sumusulat ng pitak na ito, naitatag
namin ang Kabataang Makabayan bilang simbolo ng bagong pulitika
sa bansa --- isang militanteng kilusan sa pangunguna ng mga kabataan
at estudyante na nayayabungan ng damdaming maka-Pilipino at makabayan.
Ang samahang SCAUP ang pumanday at nagturo sa amin kung paano nararapat
isapuso at palawakin ang prinsipyo ng pagmamahal sa bayan. Dito
kami nagkakilala ni Vic at nakuro ang lalim ng kanyang pagmamahal
sa mga prinsipyong aming ipinaglalaban. Matapos ang nasabing pangyayari
sa PMA armory, ilang taon ding namundok si Vic bilang strategic
adviser and lecturer of the CPP-NPA. In due time, he discovered
the dogmatism and narrow partisanship of some of its leaders, until
a point is reached when he had to rethink his position and opted,
finally, to return to the fold of law. Vic's expose' in a book he
wrote afterwards, pointing to Jose Sison as the brains behind the
infamous 1971 Plaza Miranda bombing should serve as proof of his
loyalty to a cause and not to any particular leader or individual.
Col. Corpus, however, should be able to substantiate his allegations.
Nararapat niyang patunayan sa korte, bagama't medyo may kahirapan,
kung totoo at sa paanong paraan nagawa nina Sen. Lacson, Loi Estrada
at dating Pangulong Joseph Estrada ang pagkakamal ng nasabing malaking
halaga sa panahon ng kanilang panunungkulan.
Naniniwala kami sa integridad at kakayahan ni Vic, sa kanyang pagkatao
bilang lider, at sinseridad sa mga prinsipyong kanyang ipinakikipaglaban.
Sa pagkakataong ito, kami ay kasama niya. Tungkol naman sa tunay
na nangyari noong Disyembre 29, l970 --- sa raid of the PMA armory
na pinamunuan diumano niya --- kami na lang dalawa ang bahalang
mag-usap. *
(Reprinted with permission from Kabayan Publishing Co.)
<React
to this article> <Read
other reactions>
You may email the author at ernie@philippinestoday.net
|