Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Sept - 14 Oct 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Mula sa mambabasa
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Monthly update
Email Address:

Mga nakakatuwa sa Japan

 

BIHIRA mong makikitang nakangiti ang mga Hapon sa isang formal group picture. Kahit sila'y nagpapakuha ng litrato sa Nikko kasabay ng kanilang outing ay mukha silang nasintensiyahan ng 15 years hard labor sa piitan.

-o0o-

Nakasulat sa isang palengke: Warning! Gentlemen! Please do not carry your wallets in rear pocket for your backside is easily attacked!

-o0o-

Kahit 1 yen ay isasauli sa iyo ang sukli, nasa department store ka man o sa loob ng taxi, ngunit iwan mo lang ang iyong payong o bisekleta sa tabi na walang kandado at bigla itong mag-disappear sa hangin na parang minadyik ni David Copperfield. Para sa mga bagong salta sa Japan, ang payong o bisikleta na walang lock ay tinuturing na public property, basta't huwag ka lang mahuli.

-o0o-

Nakasulat sa labas ng isang steak restaurant: TEPPAN YAKI : Before your cooked right eyes! Beef has characteristics and physical property and mind as human fairsex has them. You will never eat the beef with the same taste as you are now eating for ever!

-o0o-

Ang boses na naiipit at parang nakalunok ng bulate ang nagsasalita ay tinuturing na sexy sa Japan. Punta ka lang sa kahit anong depato dito at pakinggan kung paano sabihin ang salitang "Irashaimase" at ito'y agad mong mapatunayan. Para sa mga Pinoy, ang husky o bedroom voice ay kaakit-akit. Sa Japan, ang boses ala Mickey Mouse ay number one.

-o0o-

Nabasa sa labas ng isang engraving shop: Come in and have your thing engraved.

-o0o-

Kahit mayroong malaking sidewalk sa tabi, mahilig pa rin silang mag-jogging, bisekleta o maglakad sa gitna ng daan. Kung sa atin mangyari ito ay katakot-takot na sigaw at mura na ang madidinig ng mga nasa gitna, ngunit dito ay kahit busina ay wala kang maririnig. Babagal pa ang mga sasakyan at kung umiwas ang mga ito ay parang lumilipat na sa ibang lane. Huwag nilang gawin iyan sa Pinas at baka sila ang pupulutin sa kabilang lane.

o0o-

Ples do not toghch the wols. Wet pento.

-o0o-

Parang dito lang yata sa Japan makikita na ang train conductor ay nagsasaludo sa bawat dating ng shinkansen o tren. Kung minsan nga ay nakikita ko rin silang naghahand salute sa dumadating na bus. Bakit kaya? Hindi naman siya pinapansin ng taga maneho. Ito ba ay dahil kung wala iyong tren ay wala rin siyang trabaho? O baka ito'y pasasalamat dahil walang nagbigti ngayon at naging karne norte sa ilalim ng shinkansen.

-o0o-

Is that L as in "rat?" No, it's R as in "lion."

-o0o-

Napansin niyo ba na ang mga ukiyoe o woodblock prints na ginawa sa Edo period ay mayroong mga taong anim ang daliri sa paa? Ito ba'y nagpapatunay na galing nga sila sa ibang planeta tulad ni Marilyn Monroe na anim din ang daliri sa isang paa? O baka hindi lang marunong magbilang ang gumawa nito.

-o0o-

Nabasa sa balot ng tsokolate: Hi Kids! Original Tastes A Lot of Licky! How tiny, how light feelin'!! Kids of milk teeth and a grandma of artificial teeth can eat easy mind Why? Because she isn't a hardrice criker. Of cause, Ok for a man covered.

-o0o-

Minsan ay nagkaroon kami ng isang stag party na umabot ng hating gabi, at dahil sa ingay ng aming tawanan ay tumawag ng pulis ang kapit-bahay. Biro mo naman at ang dumating ay dalawang patrol cars. Ngunit habang alam ng marami kung saan nagpupulungpulong ang organized crime tuwing Sabado ng umaga, wala kang makikita kahit man lang anino ng pulis.

-o0o-

Nakita sa Shinjuku noong isang gabi: Bar! Wandafuru!

-o0o-

Bakit mas mura ang saging dito sa Japan kaysa sa kamatis ngunit mas mura naman ang tomato catsup kaysa sa banana catsup? Ito ba ay sanhi ng law of supply and demand? Baka hindi dahil konti lang naman ang bumibili ng banana catsup, ngunit ito'y mas mahal kaysa sa tomato catsup. Marami din naman ang supply ng kamatis dahil ito'y tumutubo sa kanilang bansa, ngunit ito'y di hamak na mas mahal kaysa sa saging na galing pa sa Pilipinas.

Hay naku, ewan ko sa inyo, kayo na nga ang sumagot niyan! *


<React to this article> <Read other reactions>


You may email the author at butch@philippinestoday.net

Home


OTHER STORIES

EDITORIAL
From the outside looking in

ON BALANCE
Growing into a class of our own

SA AKING PANINGIN
Vic, kasama mo ako!

MUSINGS
Mga nakakatuwa sa Japan

 





ADVERTISE WITH US

AVAIL OF OUR VERY SPECIAL PROMO FOR ONLINE ADVERTISEMENTS

THIS SPACE CAN BE YOURS!

For more details, CLICK HERE.

back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved