Mga katangian ng dakilang pagtatalaga (Part 2)
1. Mamatay o limutin ang ukol para sa sarili.
Juan 12:24 -- inihalintulad ni Jesus ang kanyang buhay tulad sa
isang buto na kailangang ihasik sa lupa at mamatay upang ito'y mabuhay
at magbunga....
2. Buhay na nakapokus sa pagsunod sa kalooban ng Ama -- Juan 8:29
~ Juan 4:34, 35- ang aking pagkain ay ang sundin ang kalooban ng
Ama at gawin ang ipinagagawa sa Kanya.
Kaya sinabi ni Mr. Waelty, "Ang kalooban ng Dios ay kapayapaan
at kasaganaan at kapangyarihan na magbigay at ibigay ang pinakamabuti
na kanyang maibibigay.
3. Gawin ang anumang ipinag-uutos ng Panginoon. Juan 15:14, Ibigay
sa Panginoon ang total na kontrol sa ating buhay.
4. Isuko ang buhay sa Dios- ang ating kalooban sa kalooban ng Dios.
Mga Gawa 21:10-14, Galacia 2:20, 2 Corinto 5:15.
Ang Awit ni Maria na kilala sa wikang Ingles "The Magnificant"
(Lucas 1:36-55) ay repleksyon ng kanyang paglagak sa kanyang buhay
at kinabukasan sa Panginoon (vv.36-38). Nang sabihin sa kanya ng
anghel na siya ay maglilihi at manganganak ng isang batang lalake,
wala siyang reklamo maliban sa pagtataka na kung bakit nagkaganoon
dahil siya ay birhen samantalang dapat siyang mag-alala sa kahihiyan
na kanyang mararanasan lalo na sa kanilang kultura at tradisyon.
Subalit buong puso niyang tinangap ang mangyayari kaya sinabi niya
c v. 38 "ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin
ang iyong sinabi at nilisan siya ng anghel.
Sinabi ni Jesus: " Walang alagad na higit sa kanyang guro,
at walang alipin na higit sa kanyang Panginoon.
Kung paanong sinabi ng Panginoong Jesus sa Ama : "...ngunit
hindi ang aking kalooban kundi ang iyong kalooban ang iyong kalooban
ang siyang masusunod, ay gayon din tayo na kanyang mga alagad at
alipin." Ano man ang mangyari hindi ang ating kalooban kundi
ang iyong kalooban ang siyang masusunod.
Bilang pangwakas, ibig kong dalhin ang inyong buong pansin at pag-iisip
sa panahon kung kailan nasa kulungan sina Pablo at Silas dahil sa
kanilang pagtalaga sa sarili sa gawain ng Panginoon. Nakilala nila
ang Panginoon. Pinatotohanan nila ang kanilang kalagayan na nakakadena
ang mga kamay at paa sa loob pa ng kulungan. Kaya ang resulta--nangapatid
ang mga kadenang bakal at nangabuksan ang mga pintuan ng kulungan
dahil pinalindol nang malakas ng Dios bilang tugon Niya sa dalangin
at papuri ng dalawa sa Kanya.
Ganitong uri ng pagtatalaga ng buhay-pagkatao ang kailangan ngayon
para sa lalong mabilis na paglaganap ng kaharian ng Dios.
At ako'y naniniwala na ionor ng Dios ang ganitong pagtatalaga at
mahahayag ang kanyang kapangyarihan tulad ng naganap sa loob ng
kulungan. Di ba sinabi ng anghel kay Maria...sapagkat walang hindi
mapapangyari ang Dios! Purihin si Yahweh.*
Si Pastor Barro ay maririnig bawat Linggo, mula 10:30 ng umaga,
sa Ibaraki Christian Center, c/o Friends International Mart, 1-5-3
Amakubo, Tsukuba City, Tel. no. 090-4590-1463 o 0476-93-2956.
|