Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Oct - 14 Nov 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Special features
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Search for Filipino Sites:
 
browse by category

Monthly update
Email Address:

BILANG isang Pilipino na tumutulong sa ating mga Overseas Performing Artists, ang Inyong Lingkod ay nakakatanggap rin ng mga tawag na nagmumula sa ating mga kababayan na nakapag-asawa ng Hapon at karamihan ay mga overstaying kababayans. Dahil na rin sa aming pagbibigay ng impormasyon sa iba't-ibang pahayagan, radyo at telebisyon ay lalong dumarami ang aming natatanggap na tawag at liham. Kahit alam ng karamihan na mga suliranin ng ating mga OPAs (Overeseas Performing Artists) ang aming nilulutas ay hindi pa rin maiwasan ang paghingi ng tulong sa amin ng ating ilang kababayan. Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang makatulong sa kanilang mga problema. Nguni't sana ay maunawaan din ng iba na hindi lahat ng kanilang idadaing na problema ay makakayanan namin. Bago kayo lumapit sa amin ay isipin muna ninyong mabuti kung dapat ngang ilapit ang inyong problema. Halimbawa na lamang ng isang overstay na nagpadala ng liham sa inyong lingkod na nakapiit sa immigration at nais niyang makabalik kaagad sa ating bansa at nakikiusap na padalhan namin siya ng pamasahe. Halos sampung taon ang itinigil niya rito nguni't hindi man lamang nakapagtabi ng sariling pamasahe. Mayroon din namang nagmamaneho ng lasing at walang lisensiya't visa, nang mahuli ng pulis ay nagawa pa nitong suntukin ang pulis at nakikiusap sa amin na siya ay tulungang makalabas ng piitan.

September 20 ay naging saksi ang Inyong Lingkod sa isang hearing na ginanap sa Jujo Immigration. Nag-iisa lamang akong naging saksi sa paglilitis ng kaso ng isang dating OPA na ngayon ay overstayed na. Dancer daw siya sa isang club sa Tokyo nuong 1991. Nakilala niya ang isang Pilipinong waiter sa kanyang pinagtatrabahuan. Isang buwan bago ma-expire ang kanyang visa ay sabay silang tumakas at nagsama. Kahirapan daw ng buhay sa ating bansa ang dahilan ng kanilang pagtakas. Walang kasiguruhan kung sila ay makababalik pa sa bansang Hapon kung sila raw ay uuwi sa ating bansa.

Sampung taon na ang nakalipas, nagbunga ang kanilang pagsasama at ngayon ay may anim na silang anak. Grade two na ang panganay, walong taong gulang at nasa kindergarten naman ang pangalawa na may anim na taong edad. Marso nang taong ito, nagpunta ang ama sa isang Philippine restaurant upang bumili ng pagkain para sa kanyang mag-iina. May mga kababayan tayong nag-iinuman sa lugar na kanyang pinuntahan at nang ito ay mga lasing na, napag-initan siyang bugbugin at ninakaw pa ang Y200,000 na nasa kanyang pitaka. Sa kagustuhan niyang makabalik sa kanyang pamilya, humingi siya ng tulong sa isang pulis na nakasakay sa bisikleta. Nakatakas ang mga bumugbog sa kanya at ang inaasahan niyang tutulong sa kanya upang makabalik sa kanyang pamilya ay ang magdadala pala sa kanya sa kinalalagyan niya ngayon...........ang piitan.

Marami sa ating mga kababayan ang nagtitiis sa bansang ito upang makapagpadala lamang ng salapi sa ating bansa. Kalimitan ay hindi nakukuha ang sahod sa among Hapon at tinatakot pa itong ipade-deport. Lagi na lamang tinatakot ng mga walang awang kababayan na nagkaroon lamang ng visa rito ay animo'y immigration officer na! Dapat ay magtulungan tayo at huwag natin pairalin ang inggit sa ating sarili. Huwag natin hilahin pababa ang ating kapwa kung nakikita nating ito ay umaasenso. Kung hindi natin kayang pantayan ang kakayahan ng iba, gumawa tayo ng mabuting bagay na alam nating ipagkakapuri tayo ng ating kapwa. Napakagulo na ng mundo, iba't-ibang trahedya ang mga nangyayari. Hindi kaya na mas makabubuting pagmamahal at hindi galit ang ating pairalin sa nalalabing panahon na ititigil natin sa mundo?

Mabuhay kayong lahat!
_________________

Philippine Overseas Workers Assistance Center (POWAC)
Operated by Japan Performing Artists Association (JPAA)
FREE DIAL: 0120-738-600 (reserved for performing artist only)
TEL. 03-3484-5551
FAX. 03-55616162
C.P. 090-5491-8758

Home


OTHER STORIES

MONEY MATTERS
Where to put your money (last part): Post-WTC jitters

FINESSE
The art of smiling

BUSINESS IDEAS
The med rep who bagged enterprenuerial success

DADDY BILL'S RECIPES
Daddy Bill's Baked Chicken Thrill

LIWANAG SA DILIM
Submitting to God's will

TINIG NG MGA PERFORMING ARTISTS

 





ADVERTISE WITH US
back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved