Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Oct - 14 Nov 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Special features
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Search for Filipino Sites:
 
browse by category

Monthly update
Email Address:

Alma Moreno, may multiple sclerosis

Si Alma Moreno, 42, ay na-diagnose na may sakit na multiple sclerosis (MS) ng mga doktor niya dito sa Makati Med na kinompirma rin ng mga espesyalista sa Boston, US kung saan sinamahan niya ang asawang si Paranaque Mayor Joey Marquez nung kumuha ito ng 3-week special course sa Public Administration sa Harvard.

Ang MS ay isang uri ng sakit ng nervous system na uma-apekto sa iba't-ibang parte ng utak. Hindi alam ang dahilan ng sakit na ito at wala pang nababalitang lunas para rito. Ang MS ay isang "progressive" na sakit. Mabubuhay pa ng mula 20 hanggang 30 na taon ang taong na-diagnose ng MS pero palala na ng palala ang symptoms ng sakit, Ang mga unang signs ay ang temporaryo na panghihina ng braso o paa, pag-iiba ng sensations (may numbness), biglang pagkawala ng vision sa isang mata, double visions or "blurriness", "slurred speech" at pagkawala ng bladder control. Sa huling stages ng MS, may mood alterations nang mararamdaman ang may sakit.

Sa kaso ni Alma, para raw siyang may "mumps". Na-la-lockjaw raw siya, namamaga ang mga mata at palaging masakit ang ulo niya "na parang tinutusok-tusok ng karayon." Nung nakaraang taon lang nagsimula ang mga symptoms na naramdaman ni Alma pero ngayong taong lang dumalas at grumabe. May sinabi ang mga Boston doctors kay Alma tungkol sa injection na nagkakahalagang US$ 10,000 per shot para mapapahaba pa ang buhay niya. Umiyak daw si Alma hindi dahil sa sakit na naramdaman kundi sa kakaisip sa laki ng gastos.

Dahil sa dagok na ito sa buhay ni Alma, naging relihiyosa na siya at madasalin. Devotee siya ng Virgin ng Manaoag (Pangasinan) at ng Sto. Nino. Dati raw ay dinadaan lang nila ni Joey sa biro ang sitwasyon pero ngayon ay seryoso na silang mag-asawa lalo na sa kanilang mga anak. Ang palagi daw niyang dinadasal sa Panginoon ngayon ay, "Lord, Thy will be done".


Sampahan ng kasong libel, uso sa showbiz

Kaliwa't-kanan ang sampahan ng kaso ngayon sa showbiz. Tingnan natin mga partido na sangkot dito:

Congressman Mark Jimenez vs Lara Morena - libel suit ang sagot ng Congressman sa pag-reklamo ng sexy star sa iba't-ibang pahayagan at TV shows ng sexual harrassment laban sa congresista. Ayon kay Lara, pinilit daw ni Mark Jimenez na ipasok ang kamay nito sa loob ng pants niya sa likod. Pinabulaan naman ng congresista ang akusasyon na ito at sinabi na siya raw ang na-harass at hindi si Lara.

Sharon Cuneta vs Pete Ampoloquio (manunulat) - siniraan daw ang kanyang pagkatao dahil sa pagsulat nito na "minaltrato" daw nito ang asawang si Senator Francisco "Kiko" Pangilinan.

Rossana Roces vs Jojo Manlongat - unang nagsampa si Joselito "Jojo" Manlongat kay Rosanna ng libel dahil tinawag daw nito na "carnapper" si Jojo sa isang episode ng showbiz talkshow kung saan ay isa sa mga hosts si Rosanna. Hindi natakot si Rosanna, bagkus, ay nagcounter-sue pa.

Amalia Fuentes vs S-Files - P 20 milyon ang halaga ng libel suit na ito ni Amalia laban sa S-Files dahil sa pag-air nito ng interview nito kay Chit Ramos na kapatid ng manager ni Aga Muhlach na si Ethel Ramos. Nasaktan daw masyado si Amalia sa naturang interview dahil sa mga salita na ginamit ni Chit Ramos sa pagtukoy sa kanya.

 

Diether Ocampo, nagpakita

Kahit nakakuha ng B plus sa Film Rating Board ang bagong pelikula ng Star Cinema na "La Vida Rosa" na kinatatampukan ni Diether Ocampo at Rossana Roces sa direksiyon ng batikang direktor na si Chito Rono, mas marami ang excited na mapanood ang pelikula hindi dahil sa "Bonnie and Clyde" na istorya nito kundi dahil sa mga sexy love scenes ni Diether kung saan nagkaroon siya ng dalawang "butt-exposures". Kahit naging "daring" si Diether dito ay kampante naman siya na hindi ma-apektuhan ang over-all image nito bilang isa sa mga bankable stars ng Talent Center ng ABS-CBN.

Isang ebidensiya ng proof ng bankability ni Diether ay ang pagpili dito bilang leading man ni Joyce Jimenez sa bagong pelikula nito sa Regal na pinamagatang "Ano Bang Meron Ka?".

 

Page 1 2 3

Home


OTHER STORIES

Ara Mina, patuloy na nali-link sa may asawa

No comment si Nora sa kontrobersiyang kinasangkutan ng pamilya

Alma Moreno, may multiple sclerosis

Sampahan ng kasong libel, uso sa showbiz

Diether Ocampo, nagpakita

News bits

Asia's Who's Who
Angelika invades Japan!

 





ADVERTISE WITH US
back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved