Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Oct - 14 Nov 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Special features
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Search for Filipino Sites:
 
browse by category

Monthly update
Email Address:

Ara Mina

Ara Mina, patuloy na nali-link sa may asawa

Si Ara Mina ay patuloy na laman ng mga gossip columns dahil sa hindi matigil-tigil na tsismis tungkol sa totoong relasyon nito kay Jomari Yllana. Kahit ilang beses nang pinabulaanan ng dalawa ang isyu na ito at kahit dineklara na ni Jomari na mahal pa rin nito ang asawang si Aiko Melendez ay marami pa rin ang hindi naniniwala na walang relasyon ang dalawa. Ngayon ay kay Ogie Alcasid na naman na-li-link si Ara. Balita raw na ito ay ikinalat diumano ni Jackie Forster, ex-wife ni Benjie Paras. Hindi ma-kompirma kung totoo nga na si Jackie ang nagpasimula nito dahil nasa Europa ito as of presstime. Pero si Ara ay nanggagalaiti na sa pagka-inis. Hindi naman daw siya ganun ka-desperado para pumatol sa may-asawa. Kung na-alala niyo pa, si Ara ay na-link din dati kay Bong Revilla nung nagkapareha sila sa isang pelikula.

 

No comment si Nora sa kontrobersiyang kinasangkutan ng pamilya

Kahit patuloy ang kontrobersiya na bumubulabog sa pamilya ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor, isa na

Matet de Leon

rito ay kung sino ang totoong ina ni Matet (apat na babae na ang nag-claim) at ang pinakabago ay ang pag-aresto sa partner nito na si John Robert Porter (dating kilala bilang si John Rendez) ng mga awtoridad dahil sa kasong illegal possession of firearms at shabu, ay ginusto pa nito na manatiling tahimik sa mga isyu. Kahit kailangan nito ng publicity dahil sa October concert nito sa Music Museum, ay "no comment" pa rin ang superstar.

Speaking of Matet, hindi na raw siya interesado na makilala kung sino ang tunay na nanay niya dahil sa gulong nangyayari. Si Nora Aunor daw ang kinagisnan niyang ina kaya para sa kanya, ito na raw ang tunay na mommy niya. May naitutulong din kahit papano ang pagiging popular ni Matet ngayon dahil kinuha siya ng ABS-CBN para gumanap bilang isa sa mga kontrabida sa teleserye ni Claudine Baretto na "Sa Dulo ng Walang Hanggan." Inaasahan na ang exposure na ito ay makakatulong para mapakita ni Matet ang kanyang natatagong talino sa pag-arte.


Page 1 2 3

Home


OTHER STORIES

Ara Mina, patuloy na nali-link sa may asawa

No comment si Nora sa kontrobersiyang kinasangkutan ng pamilya

Alma Moreno, may multiple sclerosis

Sampahan ng kasong libel, uso sa showbiz

Diether Ocampo, nagpakita

News bits

Asia's Who's Who
Angelika invades Japan!

 





ADVERTISE WITH US
back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved