WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 May - 14 Jun 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
Press releases
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Balitaan
Search the site
Readers' comments

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

Mga bago sa showbiz!!!

 

Lucky Manzano

Si Luis Phillip Manzano, anak ni Vilma Santos at Edu Manzano na mas kilala bilang “Lucky”, ang pinakabagong image model ngayon ng “Bench” (kung matatandaan niyo pa, ang sister company ng “Bench” na “Human” ang naglunsad din ng career ni KC Concepcion (anak ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion) bilang modelo).

Matagal na rin itong nililigawan na pasukin ang mundo ng showbiz pero ngayon lang siya pumayag dahil gusto raw ni Edu ang i-enjoy niya muna ang pribadong buhay at asikasuhin nito ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon ay hobby lang daw muna ang pagpasok niya sa showbiz.

Inilunsad na rin ang career ng pinakabagong “Crush ng Bayan”. Ito ay si Richard Gutierrez, nakakabatang kapatid ni Ruffa na may kakambal na si Raymond. Sa ngayon pa lang ay sinasabing malakas daw ang dating ni Richard sa teen-oriented show ng GMA 7 na “Click” at sa teleseryeng “Ikaw lang ang Mamahalin” dahil sa angking kagwapuhan nito.

Kung tutuusin ay hindi masasabing baguhan si Richard sa showbiz dahil sa murang edad na tatlong taong gulang ay lumabas na ito sa pelikulang “Lahing Pikutin” kasama ang kakambal nito, ang amang si Eddie Gutierrez at ang ate nitong si Ruffa. Bago ito pumunta sa States para mag-aral ay nakasali ito sa anim na pelikula at naging model sila ni Raymond ng Nestle Twin (milk).

Asahan nating sisikat ng husto itong si Richard. Siya ay nakapirma ng two-year build-up contract sa GMA 7.

Ang isa pang baguhan sa showbiz ay si Geryk Genaskey, apo ni Rudy Genaskey na tinaguring Tom Jones of the Philippines nung dekada ‘70.

Kahit bago ay kilala ngayon si Geryk bilang bf ni Isabel Granada.

Samantala, hindi man baguhang artista ang nasasangkot ay siguradong pag-uusapan ang mukhang umuusong trend na “butt exposures” sa pelikula. Isa rito ay ang “Ang Kilabot at ang Kembot” na pinagbibidahan nina Bong Revilla at Assunta de Rossi. Ngayon lang daw naging ganito ka-daring si Bong. Aniya, “for a change, and for the experience”. Ang singer-composer na si Niño Alejandro (pinsan ni Rachel Alejandro) ay magpapakita rin sa unang pelikula nitong “Mama San” kung saan kapareha niya si Raven Villanueva. Sino pa kaya sa ating mga artistang kalalakihan ang magiging kasing-daring nina Bong at Niño? At ano na naman kaya ang magiging uso sa susunod? Abangan!


Back to top

Page 1 2 3 4


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

International exposures para sa Pinoy artists

Senado, tutulong sa paglikha ng world-class movies

Richard Gomez, showbiz talkshow host na!

Geneva at KC, hiwalay na!

Mga bago sa showbiz!!!

Showbits

Toku's kind of jazz