WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 May - 14 Jun 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
Press releases
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Balitaan
Search the site
Readers' comments

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

Richard Gomez, showbiz talkshow host na!

 

Dahil expired na ang kontrata niya sa ABS-CBN at wala namang klaro na plano ang network sa kanya matapos tanggalin sa ere ang mga show niyang “Your Honor” at “Richard Loves Lucy”, minabuti ni Richard Gomez na tanggapin ang offer ng GMA 7 na maging talkshow host ng S-Files kasama si Janice de Belen at Paolo Bediones.

“Dream come true” daw ito para kay Goma. Matagal niya na raw gustong maging host ng isang showbiz o political talkshow. Ang kanyang mga “dream interviews” ay sina Kris Aquino (gusto niya raw malaman kung bahit tahimik ang buhay ngayon ni Kris), Pres. Gloria Macapagal-Arroyo (itatanong niya raw kung ano talaga ang mga plano nito sa bansa at kung paano niya hinaharap ang mga “allies” niya na tumalikod sa kanya) at ang dating Pangulong Erap (marami raw siyang gustong itanong dito).

Hindi lang sa S-Files makikita si Goma. Magkakaroon na rin siya ng isang drama show. Dahil sa paglipat ni Goma sa kabilang istasyon ay balitang ina-asikaso ngayon ng ABS-CBN ang mga kontrata nito sa ilang malalaking bituin katulad ni Aga Muhlach. Mukhang ayaw na nilang maulit ang pangyayari na ito.

 

Geneva at KC: hiwalay na!

Geneva Cruz

Hindi man nila lantarang inamin sa publiko na naging sila ay balitang nag-split up na sina Geneva Cruz at si KC Montero. Tinawagan daw ni KC si Geneva para makipaghiwalay at naging hysterical umano si Geneva. Dahil walang kompirmasyon kung ano talaga ang naging relasyon nilang dalawa ay hindi rin kataka-taka kung walang magsasalita sa kanila tungkol sa balitang ito.

Gayunpaman, sa dalawa (o tatlo?) taong nagkasama sila ay naging laman din ng pahayagan at telebisyon ang mga kontrobersiyal na insidenteng kinasangkutan nila katulad ng: pag-away nila sa isang party kung saan nagselos si Geneva nang may nakipag-flirt kay KC; pagpunta ni Geneva sa US nung Christmas dahil buntis umano ito (nagpahayag pa siya noon na hanggang April 2002 daw siya doon kaya malakas ang ugong na totoo nga ang tsismis); at ang pinakabago ay yung nag-miscarriage daw siya sa US kung kaya napa-aga ang balik niya sa Pilipinas.

As of presstime ay ayaw pa rin ni Geneva o KC na magsalita tungkol sa issue. Wala mang kompirmasyon galing sa kanila ay naniniwala ang publiko na lalabas rin ang katotohanan sa huli. Ika nga, “pag may usok, may apoy”.

 

Back to top

Page 1 2 3 4


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

International exposures para sa Pinoy artists

Senado, tutulong sa paglikha ng world-class movies

Richard Gomez, showbiz talkshow host na!

Geneva at KC, hiwalay na!

Mga bago sa showbiz!!!

Showbits

Toku's kind of jazz