WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 May - 14 Jun 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
Press releases
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Balitaan
Search the site
Readers' comments

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

International exposures para sa Pinoy artists

 

Lea Salonga

Matapos ang matagumpay na pagtanghal ng “Flower Drum Song” sa Los Angeles kung saan bida si Lea Salonga ay ipapalabas naman ito sa Broadway nitong October. Malakas ang ugong-ugong na baka ma-nominate uli si Lea bilang best actress sa susunod na Tony Awards (katumbas ito ng “Oscar” at “Grammy” Awards sa larangan ng entablado). Dati nang nanalo si Lea ng best actress para sa “Miss Saigon”.

Ang pelikulang “Batang Westside” ni Lav Diaz ay nagkamit ng Best Picture Award kamakailan sa Singapore International Film Festival.

Nanalo naman ng Gold Medal Award ang “Tuhog” ni Jeffrey Jeturian sa Houston International Film Festival.

Na-release na sa Singapore ang album ni Gary Valenciano “I Will Be Here”. Sa mga susunod na buwan ay ilulunsad na rin ito sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Hongkong at Taiwan. Kagagaling lang ni Gary sa Germany bilang Asian representative ng Sennheiser sa Distributor’s Night nito. Ang Sennheiser ay isang leading German manufacturer ng microphones at napili nila si Gary bilang unang singer sa mundo na naka-stamp ang pirma nito sa Sennheiser microphone.

 

Senado, tutulong sa paglikha ng world-class movies

Nagpasa ng panukalang batas (Senate Bill No. 2049) si Senate President Manny Villar na ilikha ang isang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na mangangasiwa sa pagkilatis at pagbigay ng insentibo sa mga de-kalidad na mga pelikula. Nakasaad sa panukala na ibabalik ang 100% amusement tax sa pelikulang ikaklasipikang “A”. Ibig sabihin nito ay nakaabot sa mga itinakdang artistic at technical requirements ang nasabing pelikula. Pag “B” naman, 65% ang ibabalik na amusement tax.

Naniniwala si Villar na mahihikayat na gumawa ng mataas na kalidad na mga pelikula ang producers dahil sa insentibo na ito. Gusto niyang maihanay ang mga pelikulang Pilipino sa mga likha ng mga pinakamahusay na filmmakers sa mundo.

 

Back to top

Page 1 2 3 4


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

International exposures para sa Pinoy artists

Senado, tutulong sa paglikha ng world-class movies

Richard Gomez, showbiz talkshow host na!

Geneva at KC, hiwalay na!

Mga bago sa showbiz!!!

Showbits

Toku's kind of jazz