Mga usaping parang halo-halong may santol (ano ba 'yan?)
CLICHES -- How ya doin?
yeah? How
ya doin? You doin okay? Good
How is everything?
I looked past the barrier of the Automated Teller machine
(ATM) looking for the dude who just came in. Napatawa sa sarili.
Katulad sa makina sa harap ko ay masyadong automated ang greetings
ng mga tao sa New York. The same question na inuulit-ulit,
hindi iniinda ang sagot (kung nakikinig man), kundi just for
the sake of raising a greeting.
Asking whatsup?, hows
everything?, everything fine? at iba pa
ay laging naririnig. Palaging usal kapag nagsusulubungan ang
mga tao rito. Subalit sa paningin ko ay hindi naman talaga
nila hanap at gustong marinig ang tamang sagot. In this part
of the world, minding ones business is one of the main
core of surviving. Dont get involved too much. Blank
stares. Empty smiles. Looking the other way. Dont mind
me, I wont mind you kind of attitude. Hindi naman natin
masisi dahil ang process of involvement ay minimal. This is
westernized outlook. Unlike sa ating mga galing sa Eastern
part of the world.
Kaya dito, kung nasa loob ng elevator at wala na talagang
mapag-usapan, How is the weather outside? Yeah? Warm?
Good for a walk? Good
good
will see you later
take it easy .. yeah .. yeah
talk to you soon. Take
it easy
Weather is the agreeing point that people
mostly will coin up. It is safe. Walang hidwaan sa weather.
Its a neutral field.
Nakakatawa. Unlike sa Pilipinas na talagang magbabatian ang
magkaibigan at magkumare sa daan. Filipinos will really take
time to stop in the streets and talk. Maybe treat each other
to coffee, etc. Of course, here in New York, one is always
in a hurry. Most really dont want to get involved.
KAGULUHAN AT KAMULATAN -- Digmaan sa pagitan ng Israel
at Palestine. Marami ang patay sa digmaan at hidwaan sa pagitan
ng dalawang anak ni Abraham. Hindi lamang isolated sa middle
east ang hidwaan. Dito rin. Malaki ang populasyon ng Hudyo
(Jews) at mga Arabs at Palestinians dito sa New York. Both
sides are making their voices known about the issue, sa pag-dedemo
sa harap ng United Nations (na nandito sa New York ang himpilan)
at sa kani-kaniyang embahada o consulate buildings. Delicate
issue ito at maaaring magdulot ng pagtaas ng hate at biased
crimes. Katulad ng immediate aftermath ng September 11 World
Trade Center incident. Maraming mga Arabs, Sikh Indians, Pakistanis
at Middle eastern descent ang ni-round up ng pulisya at estado.
Pati mga lehitimong peoples organizations, at peace
activist groups were also put into close scrutiny. Parang
nabawal ang freedom of speech especially kung ang iyong pananaw
ay iba at may kamulatan. Marami ring insidente ng biased at
hate crimes against Arabs, Muslims and other minorities ang
nangyari, hindi lamang sa New York subalit sa kalahatang US.
Parang mga eksena sa isang pelikula ni Denzel Washington (was
it The Siege?).
Dadagsa sa Pilipinas ang humigit kumulang na 2,500 sundalong
Amerikano. Balikatan phase 2-02 daw ito, at syempre pa ay
minamaniubra na gawing legit ang pagpasok ng mga sundalong
kano. Hindi lahat dito sa US ay sang-ayun sa panghihimasok
ng pamalahaang US sa mga kaganapan ng maliliit na bansa tulad
ng Pilipinas. Sa katunayan ay maraming mga may kamulatang
Amerikano ang bumabatikos at hindi sang-ayon sa panghihimasok
na ito. May malaking ANTI-WAR na mobilisasyon ang naganap
sa harap ng White House sa Washington, D.C. last April 20.
Dinala ng mga aktibistang Pinoy at Fil-ams ang isyu ng Visiting
Forces Agreement at Balikatan exercises sa harap ng White
House.
ISKANDALO NG SIMBAHANG KATOLIKO -- Isa sa mga pangunahing
balita these past months dito sa New York ay ang iskandalo
ng mga pari ng Simbahang Katoliko. Binatikos ang mga naglalabasang
report ang sexual misconducts, pedophilia, at betrayal ng
vow of chastity ng mga pari. Nakapanlulumo. Halos bawat linggo
ay mga naglalabasang biktima, telling their stories,
after so many years of silence. It is indeed sad na ang karamihan
sa mga ulat ay involving sexual abuse at pedophilia. Natitinag
ang Simbahan at lately nga ay pinatawag ni Papa Juan Paulo
II (Pope John Paul II) ang mga cardinals para sa isang conference
sa Vatican. The issue about these allegations and stories
can not just be brushed aside. Malaking dagok ito sa mga naniniwala.
Ang mga pari na ating tinitingala ay meron palang kabulastugang
tinatago. Ito ay nakakalungkot.
Hindi naman sinasabing santo at wala ng kasalanan ang mga
pari ng simbahan. Subalit, mas parang doble ang krimen na
naganap dahil usapin na ito ng pedophilia. Sa Pilipinas ay
meron ding mga kaso ng paglabag sa vow of chastity. Subalit
ang mga nababasa ko sa diyaryo, at ang mga nasasagap sa tsismis,
involves a priest and a woman. Not a boy!!!
This scandal really rocks people of faith, and also people
with little faith. So much for these time na maraming kaguluhan
ang nangyayari sa pagitan ng ibat-ibang mga relihiyon
tulad ng Katoliko, Islam at Hudyo (mga desert religions).
Lalo lamang nabagyo ang katawang ispiritwal ng mga Katoliko.
TEXT MESSAGING -- Tuwang-tuwa si misis ng umandar
na ang text messaging sa aming cell phone. Parang Pilipinas,
at bumilis ang hinlalaki niya sa pagsulat at pagpadala ng
text. Na-alala ko tuloy ang eksena sa Pilipinas where napaka-prevalent
ang texting sa pamamagitan ng cell phones. Ke Smart o Globe
man ang server mo sa Pilipinas ay enjoy ka sa pakikipag-exchange
ng balita, at parang ina-antabayanan mo ang pag-tunog ng cellular
phone.
Bagong umpisa pa lamang ang text messaging dito sa US. At
dahil bago, hindi pa uso. Maraming mga advertisements mula
sa cell phone companies ang nag-papakilala sa paraan ng texting,
subalit na-notice kong hindi kumakagat ang masa. Personally,
hindi ko ine-expect na maging massive at successful ang texting
dito.
Una, masyadong matagal para sa kanila ang pagbuo ng message.
Walang panahon at patience ang mga kano sa paghihintay. Ikalawa,
mura ang mga cellular phone plans dito
like 500 or
1,000 minutes for $40-$50 lang. Third, malalaki ang kanilang
mga daliri at hindi kasya sa keypad
hehehe
...
Siyanga pala
tawag nila dito sa text messages ay -
PING PONG messages.
Maaaring mali ako sa pag-analyze, subalit ang situation dito
sa New York, at ang paraan ng pag-galaw at pag-iisip ng tao
ay talagang iba sa Pilipinas. Malaki ang impluwensya ng ekonomiya
at kultura sa pagpasok ng mga bagong fad at uso sa isang bansa.
Kung gayon, hinding-hindi maiaalis sa Pilipinas at Southeast
Asia ang pagiging text region of the world.
HOMESICK -- Mayo na. Panahon na ng Flores de Mayo,
Santacruzan at mga piyesta sa bayan-bayan. Labor Day sa Mayo
uno, at panahon ng mga summer fruits. Mangga, serguelas mula
Guimaras, at marami pang iba. Walang pasok ang mga estudyante
at magpapatuli ang mga kabataang lalaki sa probinsiya. Dagsa
ng pamilya sa beach at mamomroblema naman ang mga magulang
sa darating na pasukan.
Masaya. Masaya ang mamuhay sa Pilipinas. Kung may trabaho
lang sana
tsk! *
<React
to this article>  <Read
other reactions>
A medical-surgical nurse in New York, PT poet Rey Agudana
has been writing poetry for almost a decade now. He is
also a strong believer in the liberation of the arts and
literature from the clutches of commerce. He recently
helped organize the Bacolod-based poetry-reading group
-- Rhymes of Resistance. You may email the author at tubao@philippinestoday.net.
|