WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 May - 14 Jun 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
Press releases
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Balitaan
Search the site
Readers' comments

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

Manila updates atbp.


Nakaraang Semana Santa. Noong Semana Santa biglang tumahimik ang mga kalye ng Metro Manila, dahil marami sa mga taga-Maynila ang nagsiuwian sa probinsya o nagpunta sa mga beach. Nung Huwebes Santo naman, marami pa rin ang nagpupunta sa mga simbahan, mga nagsasagawa ng Via Crucis at nagdarasal. At Biyernes Santo saka nagsilikas papuntang beach...Sayang! Ang panahon na ukol sa pagninilay-nilay ay nagiging panahon ng pagsang-ayon sa kagustuhan ng laman. Sa mga pumupunta sa beach, di maiwasan ang magtoma at kumain ng marami.

Watson's ng Hongkong sa Pilipinas. Ang dating Family Drugstore at Health & Beauty Shop (pag-aari ng Shoemart) ay naging Watson's na. May nagsabing sa pagpasok ng Watson's meron nang kakumpetensya ang Mercury Drugstore, at magiging mura ang mga gamot sa Mercury para ma-retain ang customers nila. Hindi nangyari 'yon. Halos pareho ang mga presyo.

Murang Gamot ng Gobyerno. Ang Pilipinas ang isa sa mga Asian nations na may pinakamataas ng presyong gamot. Ayon sa isang non-government organization, ang anti-ulcer drug na Zantac ay may presyong P2.44 sa India pero ang benta rito ay P25.44! At kahit mura ang presyo sa India, kumikita pa rin ang kumpanyang gumagawa nito. Sabi ng multinational drug companies di nila kayang magbaba (o ayaw ibaba?) ng presyo. Kaya sinimulan ng Departament of Trade & Industry at Department of Health na mag-angkat ng gamot mula India. Nagalit ang multinational drug companies. Sabi nila nalalagay sa panganib ang kalusugan ng Pilipino dahil 'inferior drugs' ang mga Indian medicines. Pero ayon sa DOH, ang mga gamot ng India ay pasado sa tests ng ating Bureau of Food & Drugs at ng counterpart nito sa India. Sa ngayon, meron nang murang gamot sa ilang ospital ng gobyerno sa buong bansa.

Non-working Holiday sa Mayo 1. Idineklara ng pamahalaan na non-working holiday na muli ang Mayo 1, at hindi Abril 29, upang ipagdiwang ang Araw ng Manggagawa. Nagalit ang mga militanteng labor unions sa pagdeklara bilang non-working holiday ang Abril 29 dahil ang tunay na Labor Day sa mundo ay Mayo 1. Kahit ang mga seremonya ay sa Mayo 1, di makakadalo ang mga manggagawa dahil may trabaho sila at lipas na ang bakasyon nila sa Abril 29. Dagdag pa nila pinalitan ng Abril 29 ang Mayo 1 bilang non-working holiday dahil takot ang pamahalaan na baka mag-rally muli ang mga grupong pro-Erap at maki-isa naman ang opposiition groups.

Naging maingay ang Labor Day, pero di tulad ng last year, relatively peaceful this year. As usual, ang mga leftists humihingi ng resignation ni Pang. Gloria pero normal na ito sa kanila. Kasama ng leftists ang mga oposisyon at mga galit kay Gloria, hinihiling din ang kanyang resignation. Hindi naman lahat ng aksyon ni Aling Gloria ay tama pero ang sabihing katulad sya ni Erap? Sobra naman yata.

Holiday Economics. Nililipat ng gobyerno ang holidays to a Friday or Monday dahil sa ‘holiday economics’. Pag mahaba ang bakasyon, mas ma-enganyo ang mga taong maging turista. Pupunta sila sa probinsya o resorts & hotels at doon gagastos. Ang perang ginastos nila sa mga lugar na 'to ay lilikha ng trabaho sa turismo at mga industriya tulad ng pagkain (dadami ang kita sa buko pie, durian candy, pili etc). From personal experience, may katotohanan ang 'holiday economics'. Nang malipat ang holiday (sa Araw ng Kagitingan from Tuesday, Abril 9 to Monday, April 8), nagpunta ang mga pamangkin ko sa Batangas at naligo. Nagrenta ng mga kuwarto at nag-overnight pa sila.

IT Degrees at Trabaho. Tuloy ang popularity ng computer or information technology (IT) degrees sa mga high school graduates at sa taong gustong magshift sa IT career. Ang ilang sa malalaking schools—AMA, STI at Informatics, ay nagpapalabas ng advertisements. Problema lang, kulang ang trabaho para sa IT grads. Umaasa ang gobyerno na sa pagdami ng mga call centers (kumpanyang sumasagot sa reklamo, tanong, atbp. ng customer sa Amerika) mabibigyan ng trabaho ang mga IT graduates. Pero kulang pa rin, kaya may IT graduates na nangingibang bansa na rin. *


<React to this article> <Read other reactions>

We welcome our readers to contribute their articles to Philippines Today Online. If you would like to submit your article for posting at this site, please use our Submission Form.



Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

MONEY MATTERS
Life Insurance 102

FINESSE
Dressing principles

DATELINE: NEW YORK
Mga usaping parang halo-halong may santol (ano ba 'yan?)

DATELINE: MANILA
Manila updates atbp.