Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
JUNE ISSUE
15 Jun - 14 Jul 2002
Home 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Inspirations 
Poetry 
Laff Page 
Community 
News 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

Jolina Magdangal, hindi nagrenew ng contract sa ABS-CBN

Jolina Magdangal

Iniintriga ngayon ang hindi pag-renew ng eksklusibong kontrata ni Jolina Magdangal sa ABS-CBN. Balitang imbes na malungkot ay natuwa pa ang network sa desisyon na ito dahil na rin sa mga “demands” ng ama nitong si Jun Magdangal na siya ring manager ni Jolina. Ayon naman kay Jun Magdangal, “exposure-wise, she deserves better.” Hindi naman daw tinupad ng network ang mga kahilingan nitong pangalagaan ng husto ang career ng anak kaya minabuti nilang huwag pumirma ng kontrata para makapaggawa rin ng pelikula si Jolina sa ibang movie outfits.

 

Movie bill, aprubado na ng Kongreso at Senado

Inapruba kamakailan sa isang bicameral conference ng mga representatibo ng Kongreso at Senado ang tinatawag na Movie Bill. Ang final version nito ay ipapasa kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo para aprubahan nito bago ito magiging batas at malatha sa isang opisyal na publikasyon.

Sa pamamagitan ng Movie Bill na ito na pinaghalong Senate Bill No. 2049 at House Bill No. 4644 ay ililikha ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magpapalit sa FILMBOARD (Filipino Motion Pictures Development Board). Gagamitin ng FDCP ang pondo nito para ma-improve ang training ng mga film workers at maangat ang industry standards at audience expectations. Bibigyan rin nito ng gantimpala ang mga dekalidad na produksiyon na nag-pro-promote ng mga positive values. Isa pang itatatag ng Movie Bill ay ang Cinema Evaluation Board na magpapalit sa Film Ratings Board (FRB). Ito ang kikilatis sa grado ng mga pelikulang ipapalabas.

 

Kris Aquino, nililigawan ni Mayor Joey Marquez?

Kris Aquino

Nang una silang makitang magkasama sa isang “friendly date”, sinabi ni Kris Aquino na “thank you gesture” lang daw iyon dahil sa pag-guest ni Mayor Joey Marquez sa showbiz talkshow ni Kris kung saan pinag-usapan nila ang paghiwalay ni Joey kay Alma Moreno. Ngayon ay ilang beses na silang nakitang lumalabas kaya hindi na maipagkaila ni Kris ang balitang kumakalat tungkol sa kanila ni Joey. Balitang sabay na raw sila ngayong nagsisimba sa Baclaran tuwing Miyerkules at palagi na raw bumibisita si Joey sa tinitirhan ni Kris.

Samantala ay na-li-link din si Kris kay Mayor Sonny Belmonte (na-tsismis din kay Aiko Melendez) at kay Troy Montero.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES
Cesar Montano, kasama sa isang Hollywood movie!

Mega-success ang Hongkong concert ni Sharon

ECSTASY!!! - mainit sa showbiz

Jolina Magdangal, hindi nagrenew ng contract sa ABS-CBN

Movie bill, aprubado na ng Kongreso at Senado

Kris Aquino, nililigawan ni Mayor Joey Marquez?

Showbits

Japanese pop song a hit in Argentina!



Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net