Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
JUNE ISSUE
15 Jun - 14 Jul 2002
Home 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Inspirations 
Poetry 
Laff Page 
Community 
News 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

Cesar Montano, kasama sa isang Hollywood movie!

Cesar Montano

NAPILI si Cesar Montano para gumanap ng isang malaking role sa pelikulang “The Great Raid”. Ito ay base sa isang nobela tungkol sa pagsagip sa mga American Prisoners of War sa isang kampo sa Cabanatuan City noong World War II. Si Cesar ay gaganap ng role bilang si Capt. Juan Pajota, isang lider ng mga Filipino guerillas. Kasama sa pelikula si Benjamin Bratt (ex-boyfriend ni Julia Roberts na nagpakasal kamakailan sa dating Bond girl at model na si Talisa Soto), Ethan Hawke (Gattaca, Training Day) at Joaquin Phoenix (Gladiator).

Ang director ng pelikula na si John Dahl (Joy Ride, Rounders, The Last Seduction) ay na-impress kay Cesar matapos ang huling audition nito na ginanap sa Australia. Lalong humanga ang director nang makita nito ang pelikulang Muro-Ami ni Cesar. Kabilang sa mga 500 na nag-audition para sa role na Capt. Pajota ay sina Ricky Davao, Tirso Cruz, Miguel Vera, Raymund Bagatsing at Jomari Yllana.

Aalis patungong Australia si Cesar sa Hunyo para sa isang two-week military training kasama ang iba pang aktor. Pupunta rin sila ng China para sa shooting ng ibang scenes. Sobrang saya raw ni Cesar dahil sa swerteng nakamtan. Hindi pa rin daw siya makapaniwala na makakasama na siya sa isang international film.*

 

Mega-success ang Hongkong concert ni Sharon Cuneta

Sharon Cuneta

Ang 12,000-seater na Hongkong Coliseum, isa sa mga pinakamalaking venue sa nasabing lugar, ay napuno ng mga loyal fans ni Sharon Cuneta nang mag-concert ito noong May 12. Kahit umulan ay di napigilan ang mga Sharonians na pumila simula alas-diyes ng umaga para makakuha ng magandang puwesto para sa alas-dos na concert ng megastar.

Ang concert ay itinaon rin sa paglunsad sa Hongkong ng unang Asian album ni Sharon na “All I Ever Wanted” sa ilalim ng BMG Records. Kabilang sa album na ito ang mga komposition nina Ryan Cayabyab at Jim Brickman. Meron ring duet dito si Sharon kasama ang Hongkong superstar na si Andy Lau. Naging top 23 ka-agad ang “All I Ever Wanted” sa HMV’s (isang leading record store sa Hongkong) Top 30 sales chart pagkaraan lamang ng isang linggo. Ilulunsad din ito sa Taiwan, Singapore at Malaysia. Balak rin ng producer ng concert (Regent Forex Cargo Hongkong Ltd) na dalhin si Sharon sa Macau, Singapore at London para mag-perform.

 

ECSTASY!!! - mainit sa showbiz

Nagsimula ang lahat nang sinabi ni Rosanna Roces sa showbiz talkshow nito na may source ito na nagsabi na bumili ng 12 tablets ng Ecstacy pills si Dominic Ochoa bago ito nagbakasyon sa Palawan kasama si Rico Yan. Dahil may insinuations na binitiwan si Osang na gumamit rin ng Ecstacy ang kamamatay lang na si Rico ay minabuti ng GMA na isuspindi si Rosanna sa show nito ng isang buwan. Humingi rin ng public apology ang GMA sa pamilyang Yan dahil sa nangyari.

Sumunod nito ay ang pagsabog ng balitang nahuli ng NBI sa isang buy-bust operations noong Abril si “Jasper”, ang sinasabing nagbebenta ng Ecstacy sa mga artista. Balitang maraming artistang dinawit si Jasper sa kanyang alegasyon. Dahil maselan masyado ang impormasyon na binitawan ni Jasper ay nagpasya ang NBI na huwag ilantad sa publiko ang testimonya niya. Wala rin naman kasong maisasampa ang NBI laban sa nasabing mga artista hanggat hindi sila nahuhuli sa aktong gumagamit mismo ng droga.

Dahil sa init ng isyu ay naging masigasig ngayon ang mga awtoridad sa pagmanman sa mga sinasabing ecstacy belts sa mga bars ng Quezon City at Manila. Dahil na rin sa pag-amin ni Rosanna na minsan rin siyang naging user ay kabi-kabila rin ang pag-amin ng ibang artista na minsan rin nilang natikman ang Ecstacy. Kabilang dito sina Aya Medel at Alma Concepcion na ngayon ay aktibo sa mga anti-drug campaigns.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES
Cesar Montano, kasama sa isang Hollywood movie!

Mega-success ang Hongkong concert ni Sharon

ECSTASY!!! - mainit sa showbiz

Jolina Magdangal, hindi nagrenew ng contract sa ABS-CBN

Movie bill, aprubado na ng Kongreso at Senado

Kris Aquino, nililigawan ni Mayor Joey Marquez?

Showbits

Japanese pop song a hit in Argentina!



Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net