 |

Halo-halong may santol
(Ikalawang yugto)
EH, BAKIT? -- Marahil ay may mga nagtatanong kung
bakit ang pamagat ng aking nagdaang kolum (at pinapangalawahan
ngayon) ay Halo-halong may santol. Bakit nga ba?
Tulad ng panghimagas na Halo-Halo, ang aking
kolum ay nagnanais magbigay saya, ulat, pang-alis ng bagot,
mga pananaw at kung bigyan ng matamang tuon ay mga aral. At
kung bakit may santol ay dahil ang mga pananaw
na ito ay hindi madaliang tanggapin. Singlaki ng buto na santol
na mahirap lunukin, kung itatanim sa kaibuturan ng ating kaisipan
at kamalayan ay maaaring magbunga ng punong sa huli ay magbibigay
lilim sa ating napapagod na mga kaisipan. Ika nga, a writer
is not just to write, portray and paint words in the wind.
A writer must also instigate to revive a primal urge of the
reader to feel, think and react.
Sige, bigyan pa natin ng kaunting langka ang ating Halo-Halo.
INDEPENDENCE DAY -- Ika 12 ng Hunyo. Araw ng
pagdiriwang sa anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas
mula sa Espanya. Maraming usapin ang dala nito dahil hindi
nagtutugma ang mga pananaw ng mga historians, at social scientists.
May mga nagsusulong ng literal na usapin na talagang this
is our true day of independence dahil lumaya tayo mula sa
kumot ng mga Kastila. May mga naglalahad naman ng argumento
na ang kalayaang ito ay hungkag dahil inagaw naman
muli tayo ng isa namang mapang-aliping bansang kinakatawan
ng Estados Unidos. Which one is true? We do need to learn
and look back at our history and pore into most minute details
in order to form our own opinions. Maybe, it will also help
us understand why we Filipinos are a good example of a migrant
race. And why even as the Philippine government praises the
Overseas Contract Workers (OCWs) as modern day
heroes, little is done to help the labor force being
deployed abroad.
Every June for the past decade, merong parade and street
fair na dinadaos sa Manhattan (New York City), organized by
some leaders of the Philippine community, dubbed Philippine
Independence Day Celebration (PIDC). Usually, every first
day of June ang petsa ng pagdaraos. Maraming mga Pilipino
from the states of New York, New Jersey and Connecticut ang
nakikilahok sa parade at street fair. May mga floats pa at
kuntodo show-up ng Philippine heritage ang mga participating
organizations at groups. May mga nag-cocostume ng ati-atihan
(mula Aklan Association), mga nakabahag na Igorot, mga naka-ala
Andres Bonifacio at mga katipunero na gayak, mga kapatid na
muslim, etc. Kasama din sa parada ang mga Filipino professional
organizations like Philippine Nurses Association, Phil. Association
of Medical Technologists (PAMET), Association of Filipino
Teachers in America, etc.
Kasama din ang mga kabataang aktibistang Pinoy at Fil-ams
na kinakatawan ng Philippine Forum, Gabriela Network, Makabayan,
FORWARD (womens group), ARKIPELAGO (arts and culture),
Filipino Workers Center, etc. Dala nila ang mga issues affecting
Pinoys both in the Philippines and abroad.
Pagkatapos ng parada ay cultural show sa Madison Park the
whole afternoon. May mga nagtitinda ng kakanin tulad ng lumpia,
dinuguan, bijon, canton, etc. May mga nagtitinda din ng mga
CDs at tapes ng Pinoy artists at bands. May mga booksellers
selling Filipiniana books and artifacts.
Masaya and it seems like na-iigpisan ang pagkauhaw at homesickness,
kahit sa isang maghapon man lamang. This year though, walang
street fair and cultural show. Parada lang. Parang idinahilan
pa na terrorist threat ang sanhi ng hindi pagbigay ng permit
sa street fair. Subalit may mga haka-haka na ang totoong dahilan
ng hindi pag-issue ng permit sa street fair ay dahil LATE
na ang pag-apply ng Komite ng permiso. Haaay naku
.
So this year, matapos ang parada ay magsisi-uwian na. Walang
saysay. Walang silbi.
HOMESICK -- I was drinking a Starbucks mocha
the other day. And suddenly it hit me na ang lasa ay parang
kapeng may Alpine milk. I tried to reason na homesick lang
siguro ako. Tayong mga nasa ibang bansa lalo na kung matagal
nang hindi nakakauwi, ay unconsciously in one way or the other
try to bridge the gap by day dreaming about things that are
once familiar to us, like Philippine brands and products.
Thats why, punta pa rin tayo sa mga Filipino at Asian
stores para mamalengke, nagpapadala ng bareta ng sabong panlaba
tuwing may kakilalang umuwi, may mga display ng bote ng Tanduay
at Anejo, may mga tabo sa banyo (kung minsan ay may mga panghilod
pa!!), at sinusuot pa rin ang mga shirts na may printang Bacolod,
Cebu, etc
o di kaya ay iniingatan ang mga lumang Bench
at Penshoppe. Hehehe
Homesick
. Homesick
The feeling kills us slowly
inside. It gnaws at our very bone and gives us the chill even
in the hottest summer.
Kaya nga kailangan nating kumain in Halo-Halo. May santol
man, o wala. *
Back to top
<React
to this article>  <Read
other reactions>
A medical-surgical nurse in New York,
PT poet Rey Agudana has been writing poetry for almost
a decade now. He is also a strong believer in the liberation
of the arts and literature from the clutches of commerce.
He recently helped organize the Bacolod-based poetry-reading
group -- Rhymes of Resistance. You may email the author
at tubao@philippinestoday.net.
|