|
Kris Aquino, inaming nagkarelasyon
kay Joey Marquez
 |
|
Kris Aquino
|
Pagkatapos silang maging laman ng blind items ng mga nakaraang
buwan ay inamin na rin sa wakas ni Kris Aquino na nagkarelasyon
nga sila ni Joey Marquez. Ipinahayag niya ito sa showbiz talkshow
nila ni Boy Abunda matapos lumabas sa Philippine Star sa column
ni Ricky Lo na bagong boyfriend niya na raw ngayon ni Vic
Sotto. Nagdesisyon si Kris na magsalita dahil nasaktan siya
sa artikulo na pinapalabas daw na meron siyang mga "flavor
of the month" at mahilig raw siya sa mga lalaking may
asawa at kilala bilang babaero (isipin niyo na lang ang mga
na-link sa kanya na sina Alvin Patrimonio, Robin Padilla,
Phillip Salvador, Joey Marquez at si Vic Sotto).
Ipinaliwanag ni Kris na si Vic Sotto ay isang kaibigan lamang.
Labindalawang taon na raw silang magkaibigan at nahihiya nga
raw siya rito dahil nasangkot ito sa intriga. Yung tungkol
naman sa kanila ni Joey, inamin niya na nagsimula raw yun
sa showbiz talkshow nila kung saan may interview siya rito
nung maghiwalay si Joey at si Alma. Naging malapit sila sa
isa't-isa simula nun. Nagustuhan niya si Joey dahil totoong
tao daw ito at "normal person" ang trato sa kanya.
Nagustuhan naman daw siya ni Joey dahil napapatawa niya ito.
Inamin ni Kris na mahal pa rin niya si Joey pero ito ang
nakipag-break sa kanya dahil hindi pa nila kayang ibigay ang
kinakailangan ng isa't-isa. Gusto raw kasi ni Joey na tumigil
sa pagtratabaho si Kris pero ayaw naman ng huli daw mahal
na mahal nito ang kanyang trabaho. Wala rin daw silang oras
para sa isa't-isa. Merong binigay si Joey na promise ring
sa kanya at suot ito ni Kris sa araw ng interview. Ayon sa
kanya, ito ay nagsisimbulo ng pangako ni Joey na siya ang
lalaki who would fulfill the promises that the others
were not able to keep. Sinusuot pa rin ni Kris ang promise
ring na iyon para ipa-alala niya sa sarili niya na kung
hindi ngayon, baka bukas or in a year or two baka oo na.
Rustom Padilla, di pa rin nakaka-recover
kay Carmina Villaroel
 |
|
Rustom Padilla
|
Matagal na ring tahimik ang isyu tungkol sa hiwalayang Rustom
Padilla at Carmina Villaroel matapos mag-file ng annulment
ang huli noong 1998. Kahit na nagkaanak na si Carmina ng kambal
courtesy ni Zoren Legaspi ay wala ring masyadong narinig mula
sa kampo ni Rustom. Pero lahat ng mga isyung ito ay naglabasan
na naman ng mabalitang nag-away sina Daniel Fernando at Rustom
dahil sa pagkasali ni Zoren sa isang basketball event kung
saan host si Rustom. Gusto ni Rustom na huwag na palaruin
si Zoren at paalisin na lamang ito pero hindi naman pumayag
si Daniel Fernando at mga kasamahan nila sa basketball team.
Dito napatunayan ng lahat na pagkatapos ng limang taon ay
may kimkim pa rin ng sama ng loob si Rustom sa nangyari sa
kanila ni Carmina.
Hindi pa natapos ang nasabing isyu ay lumabas naman ang balitang
napawalang-bisa na ang kanilang kasal. Dito na nagsalita si
Rustom dahil nalatha sa mga pahayagan ang mga rason kung bakit
nagkaroon si Carmina ng psychological incapacity
kaya hindi nito magampanan ang tungkulin bilang asawa kay
Rustom. Ilan dito ay low sex drive, pambubugbog, pagseselos,
insecurity, etc. ni Rustom. Lahat ng ito ay pinabulaan ni
Rustom at sinabi niya na merong third party kaya sila naghiwalay.
Hindi raw sila nagkaanak ni Carmina dahil desisyon nilang
itago ang kanilang relasyon sa publiko. Ito ay sa dahilang
breadwinner si Carmina at kalahati ng kita niya ay napupunta
sa kanyang pamilya.
Bago lumabas ang desisyon tungkol sa kanilang annulment ay
may pahiwatig si Rustom na baka magsampa ito ng kasong adultery
laban kay Carmina. Pero ngayong napawalang-bisa na nga ang
kanilang kasal ay sinasabing tanggap na raw ni Rustom ang
desisyon ng korte at wala na raw itong balak umapela. Minabuti
nitong magbakasyon na lamang sa Davao kesa magsumite ng appeal.
Back to top
Page 1
2 3
|