|
Showbiz babies
and mommies-to-be
CONGRATULATIONS sa mga bagong mommies and daddies sa showbiz! Kabilang
dito ay sina Sheryl Cruz Bustos na nagsilang ng baby birl (Ashley
Nicole) noong May 25, Angelu de Leon noong June 2 (baby girl din),
Jaclyn Jose noong June 15 (baby boy Gwen Garymond)) at ang asawa
ni Nino Muhlach na si Edith noong June 14 (baby boy Allessandro
Martino).
As of press time, hindi pa rin kompirmado kung sino ang ama ng
baby girl ni Angelu, gayun din kay Jaclyn (pero may balita na isang
miyembro ng Mulatto Band ang ama ng anak ni Jaclyn). Kahit nagsalita
na si Charisse Marcos sa telebisyon at sinabi na inamin na daw ng
asawa niyang si Ed Marcos na naka-relasyon nito si Angelu, hindi
niya rin masabi kung si Ed nga ang nakabuntis kay Angelu dahil wala
naman daw sinasabi ang asawa niya tungkol dito.
May ibang balita naman na isang Mr. M (hindi Marcos) ang apelyido
ng nakabuntis kay Angelu. Hintayin na lang nating si Angelu na ang
magbigay ng opisyal na deklarasyon tungkol sa isyung ito.
Kung tungkol sa showbiz babies din lang ang napapag-usapan, isama
na rin natin dito ang mga anak ng mga artista na nag-desisyong pasukin
ang mundo ng showbiz. Kabilang dito ay si Iggy Boy Muhlach na alam
ng lahat na anak ni Aga Muhlach kay Janice de Belen. Balak ni Iggy
Boy na maging komedyante katulad ni Willy Revillame.
Si KC Concepcion naman ay pinayagan na rin ni Sharon Cuneta na
maging stage actress at commercial model. Pinalitan ni KC si Karylle
Padilla Tatlonghari (isa ring showbiz baby dahil ang ina nito ay
si Zsa Zsa Padilla) bilang isa sa mga lead roles sa stage play na
Little Mermaid. Si KC rin ang pinakabagong image model ng Human
(sister company ng Bench).
Balitang P5 million daw ang ibinayad kay KC para sa deal na ito.
Si Karylle naman ay abala sa pagpro-promote ng first album niyang
"Time To Shine".
Iba pang showbiz babies na mainstays na ng mga TV shows ay si Alyssa
Martinez (bunsong anak ni Albert at Liezl Martinez), LA Mumar (anak
ni Coney Reyes sa basketbolistang si Larry Mumar), Oyo Boy at Danica
Sotto (anak ni Dina Bonnevie at Vic Sotto) at Miko Sotto (anak ni
Maru at Ali Sotto)
Matapos
kumalat ang mga blind items tungkol sa umanong pagbubuntis ng aktres
na naging dahilan kung bakit hindi makabalik ito sa Pilipinas, kinompirma
ng mga taong malapit dito na totoo nga ang tsismis kay Priscilla
Almeda.
Napabalita kasing tatlong buwan ng buntis si Priscilla at kasalukuyang
nasa New York eto at ka-live-in ang ama ng magiging baby nito na
si Shoff Ricablanca (isang Filipinong ipinanganak sa US pero galing
sa isang prominenteng pamilya sa Aklan).
Kahit inamin na raw ni Priscilla na si Shoff ang ama ng dinadala
nito, may tsismis pa ring kumakalat na baka raw ang totoong nakabuntis
dito ay ang dating boyfriend nitong galing sa isang kilalang pamilya
sa Cebu. Katulad ng kaso ni Angelu, hintayin natin na manggaling
kay Priscilla ang kompirmasyon tungkol dito. Ang iba pang mommies-to-be
sa showbiz ay sina Sunshine Cruz (kay Cesar Montano, of course)
na balitang papangalanang Angelina Mae ang magiging anak dahil kamukha
niya (ni Sunshine) si Angelina Jolie; Ina Raymundo (sa boyfriend
nitong Ukranian-Canadian na si Brian Poturnak na isang businessman);
at si Melanie Marquez (sa asawa nitong si Adam Lawyer na isang Texas
rancher).
You may email the author at melvalencia@philippinestoday.net
Page 1 2
3
|