Ang
lumalalang krimen sa bansa
SA simula pa lamang, sa pagpasok ng taong kasalukuyan, ang bansa
ay di na halos hiniwalayan ng sunod-sunod na problema. Bago ito,
sa pagtatapos ng nakaraang taon,nasaksihan ng marami ang unti-unting
pagsisiwalat sa maraming pang-aabuso at pangungurakot sa kapangyarihan
na ginawa ni dating Pangulong Joseph Estrada (at mga kasamahan nito),
hanggang sa humantong ang lahat sa impeachment trial sa Senado.
Sinundan ito ng mga protesta, laban at kampi kay Erap, na nagwakas
noong Enero 20 nang si Pangulong GMA ay maluklok sa kapangyarihan
at palitan ang nakaraang pamunuan. Tinagurian itong EDSA 2 kung
saan maraming grupo at karaniwang mamamayan ang nagsama para sapilitang
alisin sa poder si Erap.
Sinundan ng madugong sagupaan sa harap mismo ng Malakanyang noong
Mayo 1, Araw ng Paggawa, matapos hulihin at ikulong si dating Pangulong
Estrada. Sinundan ng deklarasyon ng state of rebellion sa Kamaynilaan,
ang pagaresto kina Sen. Juan Ponce Enrile at dating Ambassador Ernesto
Maceda, ang warrant-arrest kina Sen. Gringo Honasan, dating Philippine
National Police (PNP) chief Panfilo Lacson at ilang matataas na
heneral sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na diumano'y
sangkot sa isang nabigong pagtatangka na agawin ang kapangyarian
kay Pangulong GMA.
Sumunod ang madugong halalan noong nakaraang Mayo 14, kung saan
maraming prominenteng pulitiko ang namatay---si Kong. Marcial Punzalan
Jr. sa Quezon at isang kandidatong gobernador ng Batangas (Mayor
Cesar Platon ng Tanauan). Ang halalan ay di lamang nagdulot ng tensiyon
sa bansa, kinapalooban din ng pagkakasira at pagkakawatak-watak
ng maraming sektor ng lipunang tinatantiyang hahadlang sa ano mang
programa ng gobyerno na muling ibangon ang ekonomiya at buhay pulitika
ng bansa.
Matapos ang mga ito ay ang muling pagsulpot at panggugulo ng mga
bandidong Abu Sayyaf sa Mindanao ---balik na naman sila sa kanilang
kidnap-for-ransom na gawain --- una ay ang ilang turista sa Davao,
at pagkatapos, sa Palawan na tatlong Amerikano ang kasamang nabihag.
Rescue operations followed in Basilan, and the same tension ensued
--- threats and counter-threats --- with the government insisting
on the policy of no-ransom and unconditional release of safe and
alive hostages. The President later put up a P100 million booty
for the arrest and killing of Abu Sayyaf leaders and followers.
Then came early this week's assassination of Cagayan Congressman
R. Aguinaldo in Tuguegarao City, followed immediately by the claim
by the CPP-NPA-NDF of having meted what it called a "people's
justice" to the victim, a blood debt Aguinaldo allegedly owed
to many while still in power.This has of course negative repercussions
on the on-going peace talks between government and the communist
group in Oslo, Norway ---a costly exercise, we feel, considering
the obvious lack of sincerity to seek genuine peace among the parties
concerned.
The country then is back similar to last year's protracted Sipadan
hostage crisis involving Filipino,European and Malaysian nationals.
We are again put in the world's kidnap capital, with all its negative
implications to tourism, the need to attract foreign and domestic
investors, and the need to regain confidence and trust in the country's
stability and long-term viability as a sovereign nation.
Samantala, petty crimes continue to stalk Metro Manila and other
cities in the Visayan islands. Scalawags in the PNP are back in
their old nefarious ways. The PNP, under its current chief Leandro
Mendoza, appears helpless and unable to put in line and instill
discipline among its ranks. Reforms initiated by its former chief,
now Senator-elect Panfilo Lacson, dissipated almost overnight. Even
the new leadership in the DILG under former Laguna Governor Joey
Lina, Jr., appears helpless too in instilling reforms among the
ranks of local officials and the police.
Where then are we heading and where lies the solutions to all these
socio-economic and political turmoil now gripping the nation?
Hindi alam ng pitak na ito ang tamang kasagutan sa mga katanungang
nabanggit. Sapat na marahil na tawagan ang pansin ng mga kinauukulang
ahensiya ng pamahalaan sa lumalalang krimen at problema ng katahimikan
sa bansa sa ngayon. Ito ay isang napapanahong hamon sa ating lahat
na nagnanais isulong at ibangon ang gulapay na estado ng bansa ---
103 taon matapos makamit ang kalayaan buhat sa pagkakaalipin at
simulang tumindig sa sariling mga paa.*
(Reprinted with permission from Kabayan Publishing Co.)
You may email the author at ernie@philippinestoday.net
|